Paano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo.
Yung taong sinasabi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Natapos din ang ilang beses na court hearing kahit pilit nilang itinatangi ang krimeng nagawa nila. Nasa panig ko parin ang batas ako parin kinatigan. Umabot din ito ng ilang buwan dahil na rin sa kalagayan ni Sophia, hindi niya alintana ang ipinagbubuntis niya. Ni minsan daw hindi dinalaw ni Dominic. Napatunayan ko naman na lahat ng kaso kung isinampa laban sa grupo ni Sophia ay pawang may katotohanan at totoong nangyari.
Sa dami ng mga ebidensya naming inilabas ng aking abogado sino pa ba ang hindi maniniwala sa mga nakita nilang mga video footages. Kahit ipinagpilitan pa ng kabilang panig na pawang gawa-gawa lang ang lahat. Kaya para sa ikapapanatag ng lahat kumuha pa sila ng magagaling na IT expert para ipa-check ang mga video footages na inilatag namin. Kompleto ito, lahat maging ang oras at petsa. Iisa lang ang naging resulta ng pagsusuri pawang orihinal at walang indikasyon na may pandaraya sa mga nasabing videos.
Kitang-kita kasi sa video kung paano ako babuyin ng grupo ni Sophia. Tulad ng pahayag ng aming tistigo. Maging ang pagtulak sakin sa hagdan ni Elena na ikinahulog ko at naging sanhi ng pagkamatay ng tatlong buwang gulang kung anak sa aking sinapupunan kung paano niya ako pinagsisipa at tinadyakan hanggang sa duguin ako tsaka niya ako iniwang na humahalakhak, at ang pananakit din sakin ni Sophia at ng mga kaibingan niya ng malaman nilang buntis ako at sa ikalawang pagkakataon muli nanaman akung nawalan ng anak.
Lahat ng yun buhay na buhay pa rin sakin isipan parang ramdam ko pa rin ang sakit. Bilang isang ina napakasakit mawalan ng anak na ni hindi mo pa nga nahahawakan nawala na agad sayo ng dahil lang sa kasamaan ng ibang taong may maitim na budhi.
Patung-patong na kaso ang isinampa ko laban sa kanilang mag-ina. Kaya sa dami ng kaso nila hindi na sila makalalabas pa sa haba ng mga taon nilang bubunuin sa loob ng piitan. Child Abduction lang isinampa kung kaso kay Dominic kahit isa siya sa pumatay sa anak ko.
Matapos basahin ng clerk ang hatol ng hukom. Hindi na maawat sa pagsigaw ang mga salarin. Sa pangunguna ni Elena, Sophia at ang mga kaibigan nito. Isa-isa sila pinusasan ng mga escort nilang mga pulis. Isa nalang ang kulang pero nakikipagtulungan na daw ang mga FBI sa America para maipa-deport ito dito Pilipinas.
Matapos kung marinig ang hatol sa mga akusado nakahinga ako ng maluwag, hindi lang ang pagkawala ng aking mga anak ang nabigyan ng hustisya maging ang pagkamatay ng ina ni Dominic. Dinig na dinig ko pa hanggang sa kinauupuan ko ang mga sigawan ng grupo ni Sophia maging si Elena, nagwawala silang lahat dahil sa haba ng taon nilang ilalagi sa kulungan. Wala din sila nakuhang suporta galing sa mga Baxendale simula ng ideniteni sila. Dahil isang mapait na katotohan ang inilatag kay Elena ni Tito Loreto bago ang ikalawang hearing isang Deed of realese divorce. Na wala ng bisa ang kasal nila ni Elena at wala din siya makukuha dito dahil lahat ng kayamanan ng mga Baxendale nailipat na pala kay Dominic bago pa ito nagpakasal sa kanya. Ewan ba niya kung kakayanin pa ba ng mga ito, pero wala na akung pakiaalam duon. Sila naman ang naglagay sa kinahantungan ng buhay nila ngayon.