Kabanata XXVIII

2 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko pa halos naihihinto ang sasakyan namin sa tapat ng gate sa mansyon ay kaagad na kaming sinalubong ng isa sa mga security namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko pa halos naihihinto ang sasakyan namin sa tapat ng gate sa mansyon ay kaagad na kaming sinalubong ng isa sa mga security namin. Pumuwesto siya sa may driver side at tumayo ng tuwid. Kaya binuksan ko naman ang bintana sa side ko. "Good evening ma... ay sir kayo po pala." Gulat na gulat niyang bulalas. "Good evening po sir." dugtong pa niya sabay kamot sa batok niya.

"Paki bukas ang gate." Utos ko nalang na agad din niya kaming tinalikuran at nagmamadaling binuksan ang gate. Kilalang-kilala na nila ang sasakyan ni Anne samantalang ako ngayon ko lang yatang nakitang ito ang ginamit niyang sasakyan. Lagi nalang akung huli pagdating sa mag-iina ako.

"Tahimik na. Tulog na yata silang lahat." Usal ni Anne pagpasok namin sa loob ng mansyon. Humawak pa siya sa braso ko at nagpalinga-linga, na parang takot na takot. "Dito ka ba umuuwi araw-araw?" tanong pa niya.

"Tuwing sabado at linggo, pagdinadala mo mga anak natin dito ako umuuwi." Aniko. "Madalas sa condo." Dugtong ko pa.

"Sinong kasama mo sa condo mo? Siguro araw-araw iba ng iba inuuwi mo duon." Aniya.

"Wala akung inuuwi duon. Ikaw palang pinatulog ko sa condo ko, sa atin yon. Kahit pin code nuon hindi ko pinalitan, umaasa akung uuwi ka duon isang araw." aniko na may kasamang pagsisinungaling.

"Hindi ako naniniwala sayo, ang laki na ng pinagbago mo. Hindi na ikaw yong Dominic na minahal ko nuon. Ibang-iba kana." Saad niya. Kaya kinabahan ako. "Nasaan na ang Daddy mo?" Pagiiba niya.

"Baka nasa opisina na niya si Daddy." Aniko. "Duon nalang nating siya puntahan para makita niya kayo, pag wala siya duon, malamang tulog na yon. Bukas nalang kayo magpakita." Dugtong ko pa.

"Akyat na kami Dad." ani Nicko at nagtakbohan na silang tatlo paakyat sa hagdan.

"Be careful." sigaw naman ni Anne dahil naguunahan pa sila sa pag-akyat sa hagdan. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at hinila na paakyat. Gusto kung hawakan ng mahigpit ang mga kamay niya dahil pakiramdam ko pag hindi ko siya hawak parang mawawala siya sa akin, lalo kung andito siya sa bahay namin kung saan marami kaming ala-alang hindi maganda.

Nadatnan naman naming nakatayo lang sila Nicko sa tapat ng pinto ng opisina ni Daddy, upang hintayin kami, kaya kumatok na ako ng tatlong beses bago ko pa dahan-dahan binuksan ang pinto. Kita ko naman na abalang-abala si Daddy sa binabasang libro, ni hindi yata natinig ang pagkatok ko.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon