Nakita kung nag-ilaw ang cellphone ko paglabas ko ng cr alam kung text message lang yun kaya hindi ko pinansin, nagtuloy ako sa walk-in closet para magbihis.
Ngayon ang araw na itinakda sa paghaharap namin muli ng dati kung asawa para sa kasong isinampa niya against sakin kidnapping sa sarili kung anak. Kontra demanda ko naman sole custody for my daughter. Bilang ganti sa pagkakalagay niya sa matinding kahihiyan ng pamilya Baxendale at sa panluluko niya sa sakin kasama na dun ang pagkakait niya sakin ng karapatan bilang ama ng aking anak. Hindi ko alam kung paano ko ipaglalaban ang aking anak alam kung malaki ang pagkukulang ko pero ipaglalaban ko parin ang aking karapatan para makuha ang aking nag-iisang anak.
Kabado ako ngayon kumpara nung una, ewan ko kung bakit, wala nga palang una dahil hindi natuloy ang unang hearing namin dahil sa iskandalong nangyari, kung saan may mga ibinunyag si Anne na hindi pa malinaw kung may katotohan ba, pero kung may katotohan ito mas lalong malalagay sa matinding kahihiyan ang pamilya ko na may posibilidad din ikabagsak ko sa larangang aking kinabibilangan bilang isang negosyante at sa iba pang organization aking hinahawakan. Kung totoong may matibay na ibidesyang hawak ang kabilang kampo baka hindi ko din makuha ang custody ng anak ko, sa kulungan din ang bagsak ko. Nalulumo ako sa mga naiisip ko paano nga kung mangyari ang pinangangambahan ko ano ng mangyayari. Iisa lang ang alam ko lalabas lahat ng katotohan sa likod ng mga kasinungalingan ng kahapon na aking pinaniniwalaan hanggang ngayon.
Makikita ko ulit siya pero hindi na siya sakin, imposible ng maging akin pa siya dahil pagmamay-ari na siya ng iba. Ang masakit pa kaibigan ko ang may ari sa kanya. Ayaw ko man aminin pero nasasaktan din ako dahil may iba na siyang mahal. Nakita ko uling nag-ilaw ang cellohone ko kaya kinuha ko na ito.
from Migz: Kalev is back.
unang text message na nabasa ko.from Migz: He's with Anne. parang piniga ang dibdib ko pagbasa ko ng pangalawang text message. Ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa, sila naman talaga ngayon, sa isipin yun nakaramdam ako ng sakit na parang sinaksak ang puso ko.
Malinaw naman tinawag ng Daddy ni Cassey si Kalev, masakit man pero kailangan kong tanggapin. May pagkukulang din ako. Kasalanan ko din kung bakit nawala sakin ng lubusan ang nag-iisang babaeng minahal ko ng higit pa sakin buhay. Tumulo ang luha ko ng hindi mamamalayan dahil sa sakit na nararamdam sakin dibdib, kahit kailan hindi naman siya nawala sa isip at sa puso ko. Ayaw ko lang talagang may nakakakitang nasasaktan din ako sa paghihiwalay namin, ayaw kung amining siya ang kahinaan ko, ayaw kong amining siya lang ang nag-iisang babaeng mahal ko, kaya lagi kung sinasabing wala nakong pakialam sa kanya but deep inside nagdurugo ang puso ko. Kaya ang tanging paraan ko magbitaw ng masasakit na salita at itatwa kung anong nadarama ko para sa kanya at magpanggap na namumuhi sa kanya.
Kahit sinaktan ko siya, siya naman ang naunang nagluko, napakasakit sa parti ng isang lalaki na tapakan ng iyong asawa ang buo mong pagkatao. Kaya lahat ng pasakit ginawa ko para maramdaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niya sakin, pero kahit anung sakit pa ang ginawa niya saking andito parin siya sa puso ko, akupado niya ang buong puso at kaluluwa ko.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...