Lumilipas ang araw, linggo, at buwan na halos pagtaguan niya ang dating asawa at sa bawat lugar na pinupuntang niya sinisiguro niya hindi sila magkikita ng dating asawa. Nag-aalala siyang baka madagdagan ang galit nito sa kanya. Kaya lagi siyang nagpupunta sa ibang bansa para mag-asikaso ng iba pa nilang negosyo. Sa ganuong paraan lang napapanatag ang kalooban niya, alam niyang sa mga bansang pinipuntahan niya hindi sila magkikita ng dating asawa, lalo kung nasa Canada, Australia at Singapore siya. Ayun kay Cassey America at England lang sila nagpupunta.
Agad din niya tinanggap ang alok sa kanyang conference sa Brazil bilang isa sa mga guest speaker. Para lang makaiwas sa dating asawa. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya itong kausapin at humingi ng tawad pero natatakot siya dito dahil sa laki ng nagawa niyang kasalanan, idagdag pa ang tungkol sa mga anak nila. Kaya gusto niya bumawi sa anak nitong si Cassey na sa simula palang malapit na loob niya dito. Minahal na niya ito na parang tunay na anak, pero hanggang ngayon malaking palaisipan pa rin sa kanya ang dalawa pang anak nito. Iba ang pakiramdam niya para sa dalawang bata. Kung sino ba talaga ang ama ng mga anak ng dating asawa.
"Mom, sabi mo po pupunta tayo kila lolo?" tanong ni Nicko sa ina. Habang ang dalawang batang babae naman ay nakatingin sa ina at naghihintay ng kasagutan niya.
"Next week tayo pupunta, meron kayong two weeks semestral break. Duon muna kayo." Aniya. "Tamang-tama birthday ng lolo niyo." dagdag pa niya, dahil alam niyang pupunta ng ibang bansa si Dominic at mamalagi daw ng isang buwan duon, kaya malakas ang loob niyang maglagi sa mansyon ng mga Baxendale. Kita niyang umaliwalas ang mukha ng mga anak niya.
"Talaga Mommy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Anezia, kaya natawa siya sa naging reaksiyon ng anak. Alam niyang hanggang ngayon nagtataka ang mga ito kung bakit hindi pa nila nakikita ang ama. Pawang si Cassey lang nagpapaliwanag sa mga ito na very busy daw ang Daddy nila dahil nasa ibang bansa ang mga negosyo nito.
"Yes, kaya magbabait kayo. Invite din natin ang mga Tito's at Tita's niyo para masaya naman ang araw ng birthday ng lolo niyo." saad niya sa mga anak niya.
"Ready kids?" tanong ko sa kanilang tatlo na tuwang-tuwa.
"Yeah. Ready na po kami." tugon nila na halos pumalakpak pa sa tuwa. Alam kung umaasa silang makikita na nila ang kanilang ama ngayon. Hindi ko man sabihin wala ang kanilang ama, alam kung malalaman din nila yun mamaya.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...