Kabanata VIII

3 0 0
                                    

"Mga bobo ang tatanga ninyo isang tao lang pinaliligpit ko sa inyo hindi n'yo pa nagawa ng maayus, babae lang yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mga bobo ang tatanga ninyo isang tao lang pinaliligpit ko sa inyo hindi n'yo pa nagawa ng maayus, babae lang yun. Nalagasan pa kayo. Ngayon problema pa yun iba kung paano n'yo ipagagamot yan ngayon, saan kayo kukuha ng Doctor hindi naman pwedeng dalhin yan sa hospital. Malaman sa mga oras n'to nililibot na nila isa-isa ang mga hospital." sigaw ng isang lalaki habang tinututok ang dulo ng baril nito sa mga tao sa harap niya. Kita naman sa mga mukha ng mga ito ang takot at baka kalabitin ng pinuno nila ang gatilyo ng baril na hawat nito na hindi alam kung kanino itatapat ang pinakadulo. Alam nilang nagalit ito dahil hindi nila mapuruhan ang target nilang tao.

"Aauugghh" daing naman ng isang kasamahan nila habang ang dalawang palad nito ay nakatukop sa isang hita na walang tigil sa pagdaloy ng masaganang pulang likido. At kung magpapatuloy ito sa ganuon kalagayan may posibilidad na maubusan ito ng dugo na maging sanhi ng pagkamatay nito.

"Mananagot tayo n'to kay boss, ang dami-dami n'yo puro kayo palpak. Ako nanaman ang pagbubuntonan ng galit nuon. Kilala naman n'yo kung paano magalit yun mga yun, walang patawad, walang awa basta pagkakaperahan." litanya niya at nilingon ang mga tauhang sugatan na kanina pa dumadaing.

"Boss hindi naman namin alam na may mga body guard pala yun target." ani ng isang tauhan niya.

"Oo nga boss mukhang bihasa sa pagbaril yun bantay." sabad naman ng isa pa.

"Magaling nga boss sharp shooter sa ulo ang tama ng mga natigot, sino naman hindi matatakot kung ganuon kalaban mo." sang-ayun ng isa pa.

"Sige na gamutin niyo na mga kasama n'yo at humanda kayo sa parusa ng big boss." utos niya sa mga tauhan. "Bumili kayo kung anong kailangang gamot nila" dagdag pa niya. "Kailangan natin magpalamig muna at mainit na tayo sa batas ngayon." anito.

Pag kagaling ko sa hospital kagabi dumeretso pa ako sa bar para uminum trying to ease the pain. Hanggang ngayon naninikip parin ang aking dibdib. Hanggang tanaw nalang ako. Dapat ako ang nag-aalaga sa kanya. Totoo ngang nasa huli ang pagsisi. Alam ko rin ako ang pinaghihinalaan nila sa nangyari kay Anne pero hindi ko kayang gawin iyon. Kahit walang nagsalita sa kanila kahapon mababakas ko naman sa mga mukha nila na may pagdududa lalo na si Kalev na masama na ang tingin sakin simula palang ng dumating ako sa hospital. Hindi ko sila masisi dahil na rin sa mga ginawa ko kay Anne nuon.

"Dominic tinanghali ka yata ngayon." bungad ni Daddy sakin nasa likuran nito si Bernadette. Kaya nabalik ako sa wisyo.

"Masama kasi pakiramdam ko." sagot ko at inabot ang tasa ng kapeng nasa ibabaw ng mesa.

Totoo naman masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Dahil napadami rin ng inum ko kagabi buti at nakapag-drive pa ako ng maayus pauwi. Gusto ko lang naman makalimot kahit sandali lang malimutang wala na ang babaeng una at tapat kung minahal meron ng nagmamay-aring iba sa kanya.

"Papasok din ako Dad iinum lang ako gamot" dagdag ko pang wika nagpatango-tango naman si Dad masama naman akong tiningnan ni Bernadette.

Pumasok ako sa aking opisina pero ang isip ko lumilipad. Gusto kung malaman ang kalagayan ni Anne wala akung mapagtanungan kung ayus naba siya. Gusto ko siyang puntahan pero hindi pwede anduon si Kalev mas may karapatan siya ngayon. At hindi nila ako pababayaang makalapit kay Anne ng matagal dahil maraming mga matang sumusubaybay sa bawat kilos ko.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon