Kabanata XXIII

0 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makaalis na sila Carol nagyaya na akung umuwi sa bahay nila Cassey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makaalis na sila Carol nagyaya na akung umuwi sa bahay nila Cassey. Matapos akung mag-alay ng panalangin at humingil ng tawad sa hindi nila pagkikita ng apo niya. Kung nalaman ko lang sana agad ang katotohanan nagkausap pa sana ang mag-lola bago ito pumanaw. Wala na akung magagawa ngayon nangyari na ang mga bagay na hindi inaasahan at lahat ng 'yong kasalanan ko. Masyado akung nagpapadaluslos lagi to the point na hindi na nagiisip ng kung ano ba dapat o kung ano ba tama. Marami na akung nagawang pagkakamali.

"Nag enjoy ba kayo?" Tanong ko sa mga anak namin habang nagliligpit kami ng mga gamit namin. Kanya-kanya din sila ng dampot ng mga kalat namin kahit hindi sila inuutosan. Kaya napapangiti ako dahil sa magandang pagdidisiplina ni Anne sa mga anak namin. Closed din sila sa isat-isa. Sana hanggang pagtanda nila ganyan din sila. Dalangin pa niya. Hindi man niya naranasan ang may kapatid pero batid niyang masarap ang pakiramdam ng may kapatid. Pareho lang sila ng dating asawa na nag-iisang anak.

"Yes, Daddy. Masaya po kami andito ka din, kasama namin." Ani Nicko. "Sana po lagi ka naming kasama." Umaasang turan nito.

"Don't worry son makakasama niyo na ako lagi. I'll make it up sa mga panahon hindi ko kayo nakasama." Aniya. Babawi ako sa kanila. "Lets go para hindi tayo gabihin. Tulungan niyo si Mommy." Utos ko sa kanila.

Binuhat ko na ang may kalakihan dalawang bag na may laman mga gamit patungo sa may gilid ng kalsada kung saan nakahimpil ang aming sasakyan.

"Sweetheart, saan tayo dadaan?" Tanong ko dahil hindi ko naman kabisado ang daan patungo sa bahay.

"Diretsohin mo lang yang kalsadang yang." Aniya sabay turo sa isang kanto. "Mga ten to fifteen minutes nasa bahay na tayo, kaya lang mukhang ma-traffic ngayon baka abutin tayo ng kalahating oras." Dagdag pa niya dahil marami sasakyan sa kalsada. Maraming umuuwi sa kani-kanilang probinsiya pag ganito panahon. Five days non-working holiday kaya sinusulit ng iba ang haba ng bakasyon para makasama ang pamilya nila. Dinig ko rin mahinang nakukuwentuhan ang mga anak ko sa likuran. Tahimik naman si Anne sa tabi ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon