Kabanata XXI

0 0 0
                                        

Pinakatitigan ko muna si Dominic at tinantiya kung ito na ba ang tamang oras para sa katotohanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinakatitigan ko muna si Dominic at tinantiya kung ito na ba ang tamang oras para sa katotohanan.

"Ayun sa kanyang ina, mga lasing daw ang mga lalaking nanamantala sa kanya at hindi na niya nai-report sa pulis. Tinulungan nalang siya ng employer niyang maka-recovered sa trauma. At nang mabuntis siya pinayuhan siyang umuwi nalang muna at bumalik nalang daw pagnakapanganak na siya, pero hindi na nangyari 'yun dahil malubha na pala ang sakit niya." Mahabang wika niya. Kaya pala hindi ko siya kadugo, pero masaya ako kapag kasama ko siya. Mabait at bibo siyang bata, lahat nagigiliw sa kanya.

"Napakabuti ng kalooban mo Anne, sa lahat ng nagawa ko sayo nanatili ka parin matatag at mapagkumbaba. May ginintuan puso ka parin sa lahat ng nangangailangan." Bulong ko sa punong tenga niya. Ginawaran ko rin siya ng magaang halik sa noo. "Triples ba sila?" dagdag ko pang tanong ng maalala sila Nicko at Anezia. Mahirap din manganak at mag-alaga ng triplets lalo na kung nag-iisa lang siya.

"Yeah, triplets sila dahil pagsinabing kung twins lang, nagagalit sila." Aniya, na ikinakunot noo ko. "Sana huwag magbago ang pagtingin mo sa kanila, lalong-lalo na kay Cassey. Gusto kung pantay-pantay ang magiging pagtingin mo sa kanila. Mangako ka munang mamahalin mo din sila ng pantay-pantay." Litanya pa niya. Kaya napatango ako ng sunud-sunod.

"What do you mean? What twins? Ilang ba talaga sila, may anak ka ba sa kanila o may anak ka pang iba? Nagbunga ba ang pagre-rape sayo noon?" Sunud-sunod kung tanong sa kanya, kahit kinakabahan ako. Litong-lito na ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung ano ang tungkol sa mga bata. Sino ang mga ama nila.

"Walang nangyaring penetration. Hindi mo ba napanuod 'yun video? Gusto mo bang ipakita ko sayo ang full vidoes?" Tanong niya.

"Hindi ko kayang panuodin, kaya hindi ko tiningnan. Umpisa lang nakita ko." Saad ko na totoong hindi ko masikmura na isa ako sa dahilan ng lahat ng nangyari sa kanya, pinabayaan ko siyang mabastus ng ibang tao. Hindi ko rin alam na kayang gumawa ng ganuon kawalanghiyaan ni Sophia at ang mga kaibigan nito, dahil pagkaharap ako napakabubuti nila na parang walang kasalanan nagawa.

"Bago pa may mangyari nahila na ako ni Tata Delfin, hinulog niya ako sa tubig. Ilang oras din daw nila ako binabad sa swimming pool para mawala ang init ng katawan ko. Hindi ko alam kung anung nangyayari sakin noon, hindi ko alam ang mga ginagawa ko, wala na akung matandaan. Ipekto ng drug na pilit nilang pinainum sakin. Pero nahawakan nila ang aking katawan, kita rin 'yun sa videos. Kaya malaki ang pasasalamat ko kila Tata Delfin at Nana Martha, iniligtas nila ako. Itinago at sinuportahan ko sila noong nalaman kung umalis na kayo sa bahay. Pina-hack ko rin lang ng surveillance camera sa bahay kaya may video footage ako. Aksidente rin nakita at nadinig ko ang usapan ng Mama Elena mo at ng asawa niya sa lugar kung saan ako namalagi ng ilang araw ng una akung umuwi dito. Mag-isa kung sinubay-bayan bawat kilos nila. Duon ko natuklas lahat. Nang makumpleto ko na lahat ng kailangan ko, after two months bumalik na ako sa US. Nuong una tutol sila Tyron at Kalev sa mga plano ko, ayaw na nila akung pabalikin ng Pilipinas, hayaan na daw kita, at kalimutan. Pero nuong sinabi ko na plano kayung patayin nila Elena at Sophia. Pumayag sila at susuportahan daw nila ako." Humihingal kung wika.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon