Paano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo.
Yung taong sinasabi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Lolo!... Lolo!" sigaw ni Cassey pagkakita niya sa lolo niyang papasok sa loob ng bahay. "Lolo na-miss ko po kayo, are you alright na lolo, wala na po kayong sakit?" malambing na tanong ni Cassey sa lolo niya. Yumakap ito sa lolo niya at humalik sa magkabilang pisngi nito. Kaya nangiti siya sa panglalambing ni Cassey sa Ama niya.
"Si Daddy ba wala man lang kiss, hindi mo ba ako na missed?" paglalambing naman ni Domininc sa anak at lumuhod pa para mapantayan si Cassey.
"Lourdes hatid mo na sila Daddy sa silid niya" utos ni Dominic dahil alam kung mas makapahpapahinga siya ngayo dahil nasa sariling bahay na siya at hindi amoy gamot ang paligid.
"Siñor halina po kayo." anito at inalalay pa ang Daddy niya.
Napag alam ni Dominic na madalas daw na lumabas ng bahay ang Mama Elena niya, napaisip tuloy siya, saan naman kaya yun nagpupunta. Ng dumating sila galing hospital wala ito sa bahay, kasama daw si Sophia. Kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng Papa niya at ni Cassey. Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Dahil maging sa hospital sinusundan sila nito, alam niyang may masamang binabalak ito.
"Sir Dominic saan po magiging kwarto ko dito?" tanong ng private nurse ng Daddy niyang si Bernadette.
"Kung saan si Daddy dapat andun ka din kaya sa loob ng silid ni Daddy ka matutulog." aniya mapatingin ito sa kanya ng may pagtatanong. "May connecting room yun kwarto nila Daddy, siguraduhin mong mababantay mo siya ng bente kwatro oras." dagdag pa niya. Napabuntong hininga nalang ito at sumunod na din sa Daddy niya.
Pag hindi kami nag-ingat baka mapahamak si Daddy. Hindi naman siya pwedeng magpadalus-dalus nalang ng walang matibay na ibidensya. At ng dahil sa nangyaring iskandalo na-postponed ang court hearing nila, yun sana ang first hearing nila. Napabuntong hininga siya for the first time nakita niya si Anne sa nakakatakot nitong katauhan, kung paano ito magalit. Dati umiiyak lang ito sa isang tabi at hindi kumikibo hindi rin makabasag-pingan ito sa bining kumilos pero ngayon daig pa ang isang gutom na tigre pag nagalit.
"Kamusta ang Daddy mo iho, galing kami sa hospital para sana sunduin siya pero nailabas mo na pala siya" malumanay na wika ng Mama Elena niya pagpasok sa pinto ng kanilang mansyon kasunod nito si Sophia, tumango lang siya dito, habang hinalikan naman siya ni Sophia sa pisngi. Hindi siya kumibo sinundan nalang niya ang mga ito ng tingin paakyang ng kanilang hagdan. Sa mga natuklasan niya tungkol dito parang tinabangan na siya, nawalan siya ng ganang respetuhin pa ito.
Salo-salo sila sa hapag kainan ng gabing iyon maraming pagkaing nakahain sa kanilang mahabang lamesa halos mapuno nga iyon ng iba't ibang putahe ng ulam na paborito ng Daddy niya idagdag pa ang gustong ulam ni Cassey.
"Iha ako na ang mag-aasikaso sa asawa ko kumain ka nalang." banayad na wika niya sa private nurse ng Don.
"Hindi po ma'm ako nalang po trabaho ko po ito, mamaya nalang po ako kakain." ani Bernadette.