"Kanila pa sila umalis Hijo." ani Yaya. "Alas sinco y medya sila umalis. Kumain kana Dominic, ipaghahain na kita." dugtong pa niya. Kinabahan akung bigla sa sinabi ni Yaya.
"No!. Anne please, huwag mo naman ilayo sakin ang mga anak natin." Sigaw ko sa isip ko. Nagsisikip din ang dibdib ko sa naiisip. Hindi ko kakayaning malayo pa sila ngayon. "Saan daw ho sila pupunta?" Tanong ko, at naupo na sa bangko sa tabi ko dahil nahihina ang aking mga tuhod sa matinding takot na malalayo sa aking ang mag-iina ko.
"Sa Lola daw ng mga bata. May dala silang pagkain." aniya. "Baka bukas na daw sila makauwi. Bakit hindi ba nagpaalam sayo si Anne?" tanong niya. Sinong Lola ba tinutukoy niya? Hindi ko naman alam kung saan nakalibing sila Nanay. Hindi ko naman alam na namatay na sila. Nito ko nalang nalaman kung hindi pa kami nagkita ulit.
"Sinong Lola po ba sinasabi niyo?" tanong ko ulit, dahil wala naman akung number ni Anne.
"Abay siyempre 'yung mga biyanan mo. 'Yun lang naman Lola nila at ang Mommy mo." singhal na niya dahil alam kung may tampo siya sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Anne. "Abay tawagan mo nalang si Carol para malaman mo. Nagpilit siyang sumama sa mga bata at namiss daw niya ang mga alaga niya." saad pa niya, kaya nabuhayan ako ng loob. Nagmamadali akung tumayo at mabilis na nilisan ang kusina, hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Yaya. Pagpasok ko sa kwarto ko agad kung kinuha sa ibabaw ng kama ang cellphone ko at itenext si Carol.
TO: Carol... Where are you? Saan lugar na kayo? Don't tell them na ako ang ka-text mo... pagka-send ko ibinulsa ko ng selpon at bumaba na para kumain. Kailang ko rin gumayak para sundan ang mag-iina ko.
"Lourdes paki sabi kay Manong na ihanda ang sasakyan at may lakad kami." Utos ko ng makita si Lourdes na kapapasok lang sa kitchen. Agad din tumalima ito. Kaya nagmamadali na akung kumain. Susundan ko sila kahit saan pa sila magtungo. Bago pa ako matapos kumain naramdaman kung nag-vibrate ang aking selpon sa bulsa ng short ko, kaya agad kung dinikot sa bulsa at binasa ang text message galing kay Carol. Tama sa Lola ni Cassey sila nagpunta, medyo malayo 'yun.
Bawat palibut na madaanan namin ay nililingon ko para akung batang ngayon lang nakalabas ng bahay. Gusto kung tandaan ang bawat lugar na madadaanan namin, dahil alam kung darating ang araw na babalik-balikan namin ito para sa aking prinsesa. Wala man akung alam sa pagkatao niya pero kailangan kung gampanan ang tungkulin ng isang mabuting ama para sa kanya. Kailangan maramdaman niyang kumpleto siya. Alam ko rin hindi pa nila alam sa bahay na hindi amin tunay na anak si Cassey at hindi na kailangang ianunsyon yun, tulad ni Anne kailangan ko rin protektahan siya na parang tunay na anak.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomansaPaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...