Kabanata IV

7 1 0
                                    

Pagbaba niya ng kanyang black audi nagpalinga-linga pa siya, inayus pa niya ang kanyang suot na RayBan at tumingin sa wrist watch niya 10 minutes bago sa itinakdang oras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagbaba niya ng kanyang black audi nagpalinga-linga pa siya, inayus pa niya ang kanyang suot na RayBan at tumingin sa wrist watch niya 10 minutes bago sa itinakdang oras. Napansin niyang may mga nagkalat ng mga pulis sa piligid. Hinihintay nalang niyang makababa ang Daddy niya sa sarili nitong sasakyan. Buti nalang pinagbigyan ang request nilang walang media at maging private ang paghaharap nila ng dating asawa.

       Ng lumabas na ang Daddy niya sa sasakyan nito sinabayan na niyang pumasok sa loob ng bulwagan kung saan sila mag-haharap ng dating asawa. Malawak ang bulwagan may tatlong row ng mga pahabang mga upuan at sa bawat row may tig-aanin na mga naka helirang mahabang upuan.

       Pagpasok nila sinalubong sila ni Attorney Fernandez ang kanilang abogado. Igiya na sila ng abogado nila kung saan daw sila dapat umupo, sa first row sila. Minsan pa niyang pasimpleng ini-scanned ng kanyang mga mata ang paligid. May gusto siyang makita, kaya nga ayaw nita alisin ang kanyang shade para maitago ang kanyang mga mata. May mga tao ng nasa loob ng bulwagan nakita din niyang may mga pulis na nagkalat mayroon din dalawang malapit sa kanya, on the way na daw ang mga kaibigan niya ayun sa mga ito.

Maya-maya pa muling bumukas ang pinto unang pumasok ang isang babae ayun sa soot nitong yuniporme isa itong clerk may ID rin ito sa dibdib kasunod nito ay isang matangkad na lalaking naka-barong na halos kasing taas lang niya eto, sa tingin niya a...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maya-maya pa muling bumukas ang pinto unang pumasok ang isang babae ayun sa soot nitong yuniporme isa itong clerk may ID rin ito sa dibdib kasunod nito ay isang matangkad na lalaking naka-barong na halos kasing taas lang niya eto, sa tingin niya ay nasa late 30's na ito matikas kung tumindig magandang lalake rin eto, kung hindi siya nagkakamali Attorney Ceazar Dominguez ang pangalan nito. Minsan na niyang nabasa ang article nito sa isang magazine ayun doon magaling na abogado ito, lahat ng mahawakan kaso nito naipapanalo nito. Kasunod ng abogado si Anne naka shade din ito, naka bistida ito na hindi pa umabot sa tuhod kaya kita ang maputi at makinis nitong mga binti, may kasama itong babae hindi niya kilala kung sino ito. May mga ilang hibla na ng buhok nito ang kulay puti. Ng makapasok ito ng tuluyan tinanggal nito ang shade at inilipat sa toktok ng ulo, kaya kitang kita ang mala angel nitong mukha na kanyang kinababaliwan.

      Napamura siya ng mahina ng makita niyang pati mga pulis ay pasimpleng tumitingin dito lalo na sa mga legs nito. Pinagmasdan niya si Anne, mahiksi na ang dating hanggang bewang nitong buhok, kaya napa smirked siya noong sila pa ayaw niyang pinapagupitan ni Anne ang buhok nito sukdulang siya ang magsuklay at mag-blower ng mahabang kulay chokolateng buhok ng dating asawa.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon