Katapusang kabanata

1 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa ilang buwan namin bilang mag-fiance ni Anne smooth naman ang relastionship namin at walang problema maging sa mga anak namin, katulad ng typical na mga bata may mga kalokohan din silang ginagawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa ilang buwan namin bilang mag-fiance ni Anne smooth naman ang relastionship namin at walang problema maging sa mga anak namin, katulad ng typical na mga bata may mga kalokohan din silang ginagawa. At halos ayaw ko ng malayo sa kanila kaya kung nasaan sila anduon din ako. Bilang narin kung lumabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Hindi narin ako nagbabad sa opisina at maagang umuuwi para makasama ko aking mag-iina. Sa dami ng pagkukulang ko sa kanila kulang pa ang mga ginagawa ko ngayon.

*****

Pakiramdam ko lagi akong pagod kaya lagi rin akung tinatanghaling gumising. Gustong-gusto kong matulog. Nakakaramdam din ako ng pagkahilo kung minsan, ayaw ko naman sabihin kay Dominic dahil ayaw ko rin na magalala pa siya sa dami na ng mga ginagawa niya. Hindi ko alam kung anung nangyayari sa akin kung may sakit na ba ako o sobrang pagod lang talaga. "Baby mauna ka ng pumasok dito lang naman ako sa pabrika kailangan kung i-check ang mga materials." Aniko ng gisingin ako ni Dominic. "Tulog lang ako para makabawi ng pagod." dugtong ko pa.

"Ok, you may take a rest." Tugon niya at dinampian ako ng halik sa labi. "Kung nahihirapan ka na at hindi mo kaya pwede naman natin iutos sa mga tauhan mo. Sabihin mo kung anung dapat gawin at ako na gagawa." Dugtong pa niya. Pero hindi ko na siya pinansin at ipinikit ko na ang aking mga mata. Siguro magpapa-check up nalang ako pag maluwag-luwag ang schedule ko. Piping bulong ko.

Tulad ng dati isang simpleng kasal lang din ang gusto ni Anne. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang invited. Wala na din akung magawa kahit gusto ko siyang bigyan ng maranyang kasal. Isang lang ang lagi niyang sinasabi. Kahit daw gaano pa kabongga ang kasal kung mahihiwalay din lang ang mag-asawa, useless lang daw. Sana daw magtuloy-tuloy na ang relasyon namin hanggang sa pagtanda namin. Dahil kung mauulit daw ulit ang nakaraan iiwan na nila ako at hindi na daw sila magpapakita sa akin. Hinding-hindi na daw niya ako mapapatawad kahit anung gawin ko. Kahit lumuhod at lumuha pa daw ako ng dugo hindi na raw niya ako patatawarin pa. Lahat daw ng ginawa ko sa kanya sariwa pa sa kanyang ala-ala hanggang ngayon. Pinagsisihan ko ng lahat ng nagawa ko sa kanya pero alam kung hindi sapat 'yon bilang kabayaran sa mga pagdurusa niya. Kaya natatakot na akung magkamali at baka nga totohanin niya ang sinabi niya. Hindi ko na rin kakayanin malayo pa sila sa akin, sila na ang nagbibigay buhay sa akin ngayon. Kaya maaaring ikamatay ko kung mawawala sila sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon