Ramdam ko ang palad niyang dumantay sa aking hita, kaya ipinatong ko ang isang kamay ko sa kamay niya at bahagyan pinisil 'yon sabay sandig ng ulo ko sa balikat niya. Seryoso naman ang mga anak namin nakikinig sa mga sinasabi ko sa kanila. Alam kung sa edad nila hindi pa nila nauunawan ang ibang bagay ngunit kailangan ko ng ipaintindi sa kanila unti-unti para hanggang maaga makapag-adjust na sila. Alam kung matatalino sila at alam nila ang katayuan nila sa buhay. Nauunawaan din nila ang sitwasyon namin ng mommy nila at pagdating ng araw, alam kung malalaman din nila kung ano ang totoo. Sana huwag naman nila ako kamuhian.
"Kaya ba madaming bumabati sa inyo kanina Dad? Kilala ka nila?" Tanong ni Nicko dahil bawat taong bumati sa akin pinagmamasdan nila lalo kung babae.
"Madami rin nakakakilala sa akin dito. 'Yon iba nahihiya nalang bumati." Aniko.
"Type lang nila si Daddy." Singit naman ni Anezia. "I hear a woman's saying... Ang super gwapo naman ni Dominic he's so hot and yummy paano kaya niya ako mapapansin." maarteng panggagaya nito. Kaya natawa siya sa tinuran ng anak.
"Do you know who she is?" Agad naman tanong ni Cassey. "We had to teach her a lesson. Dating gawi." Dagdag pa nito at nag-apir pa silang tatlong magkakapatid.
"Oh, no!." Bulalas ni Anne ng marinig ang pinag-uusapan ng mga anak nila. " Don't do anything that would cause any problems." dugtong pa nitong ipinagtaka naman ni Dominic.
"What do you mean? May hindi pa ba ako alam?" Ani Dominic. Pero nagtawanan lang ang mga anak niya. May nagawa ba ang mga itong hindi niya alam.
"Pagsabihan mo yang mga anak mo, baka gumawa na naman sila ng kalokohan." Saad niya kaya napatingin ako sa kanila.
"What's that kiddos?" Tanong ko sa kanila. Pero nagtawanan lang sila at umiling-iling.
"Baka gawin nanaman nila 'yong ginawa nila sa kaklase nila noon." aniya. "Nilagyan nila ng bubblegum ang buhok ng batang babaeng classmate nila dahil crush daw nito si Nicko." Wika niya. Kaya napakunut noo ako at sinulyapan sila. "Naglalagay din sila ng asin at paminta sa kape ng bisita ko." pagsusombong ni Anne.
"Dad, suitor po ni Mommy yon. Minsan chili powder nilalagay namin sa drink nila. Marami po kasing suitor si Mommy." Litaniya ni Nicko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa kalokohan ng mga anak ko. Meron pala silang kakaibang ugali. Tatlo sila kaya kampi-kampi sila sa kalokohan nila.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...