Iniwanan ko muna kila Sister si Cassey para harapin ang ang mga kalaban ko. Isa silang mayaman at maimpluyensiyang tao kaya mahirap silang kalaban pero kakayanin ko. Nasimulan ko na kaya kailangang tapusin ko na ito para matahimik na kaming lahat.
Ito na ang araw na matagal ko ng pinakahihintay may takot man akung nadarama sakin dibdib pero kakayanin ko. Kailanga kung magpakatatag para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng aking mga anak at ang pambababoy nila sakin. Sinira nila ang buhay ko, pinatay nila ang mga magulang ko. Katarungan ang kailangan ko para mapanatag ang aking kalooban pagkatapos nito mananahimik na ako at mananatili nalang kami sa ibang bansa ng aking mga anak. Lalayu nalang kami sa mga taong yumurak sakin pagkatao.
Ang nag-iisang taong minahal ko simula nuon hanggang ngayon at wala ng makakapatay o makahihigit pa sa kanya pero pinagtabuyan niya akung parang hayop, ginawa niya akung basura dinurog niya ang puso ko at maging ang aking dangal. Kumampi siya sa mga demonyong may masamang hangarin sa kanya at pinaglayo kami. Pinagbintangan ng kung anu-ano na wala naman malinaw na basihan sa mga inaakusa niya sakin.
..........Flashback............
"Anastasia!..." sigaw ng asawa ko na nagpakaba sakin dibdib dahil alam kung galit nanaman siya base sa paraang ng pagtawag at pagsigaw niya. Kaya nagmamadali akung lumabas ng kitchen para puntahan siya sa may living room.
Sampal sa magkabilang pisngi ang sinalubong sakin ng asawa ko paglapit ko sa kanya at naglilisik ang kanyang matang nakatingin sakin.
"Hayop kang babae ka, talagang wala kang kasiyahan napakalandi mo talaga." sigaw niya sa mukha ko. "Hindi ka pa nakuntento sa isa naghanap ka pa ng iba." dagdag pa niya at inudayan ulit ako ng malakas na sampal na nagpabiling sakin mukha.
"Tama na Dominic." umiiyak kung pakiusap sa kanya sapo ang aking pisnging nag-iinit dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. "Ano bang ikinagagalit mo wala naman akung ginagawang masama." pangangatwiran ko pa sa pagitan ng pag-iyak.
"Hindi ko na kayang pakisamanhan pa ang katulad mong walang kasiyahan." sigaw niya na halos maglabasan na ang mga litid niya sa leeg. "Ayaw ko ng makikita ka pa dito, nandidiri ako sa pagmumukha lumayas ka na sa pamamahay ko. Lumayas ka na dito at huwag na huwag ka ng babalik. Hindi ko kailangan ang tulad mong slut. Maghiwalay na tayo. Dapat pala nuon pa kita hiniwalayan." Sigaw niya na nagpayanig saking pagkatao.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...