Chapter 38

10 2 0
                                    


Alyana's POV

1 WEEK ...

1 WEEK na ang nakakaraan ng bumalik si Kier Andrei.

Halos hindi ko nakakausap ng maayos si Ally...

Palagi lang siyang nakatingin sa labas o di kaya ay sa cellphone niya na parang may inaantay siyang tawag...

Di na siya nakakapasok sa trabaho niya dahil di siya makapag focus...

Papasok siya pero puro mali ang ginagawa niya.. Kaya ang ending papagalitan siya at sasabihin niya na uuwi siya dahil masama ang pakiramdam niya.

Di siya kumakain ng maayos ..

Di siya makausap ng maayos ..

Wala ng nangyaring maganda sa loob ng isang linggo ..

Si Kiko hindi namin nakikita, simula nung masira yung birthday party niya..

Si Kier Andrei naman balik ng balik sa bahay, pero kahit isang beses hindi siya kinausap ni Ally.

Ang gulo, ang gulo ng nangyayari simula ng bumalik siya.

Ayokong sisihin siya ... pero sana di na lang siya bumalik..

"Alyana kumain ba si Ally?" tanong ni tita..

"Tita hindi e nagkulong nanaman sa kwarto niya " napabuntong hininga na lang kami pare parehas.

"Bakit ba kasi kailangan pang bumalik ni Kier Andrei kung kelan okay na ang lahat " Sabi ni Mimi.

Tumingin sakin sina Gerald ..

" Kailangan nilang mag usap siguro para matapos na to " Brianna

" Hindi naman ganun kadali yun eh nahihirapan si bff paano? ganun na lang yun? umalis siya tapos babalik siya kung kelan okay na ang lahat!" sabi ko.

" Alam ko pero kaibigan natin si --

" WALA AKONG PAKIELAM OKAY?! Hindi ko pipilitin na mag usap sila unless si Ally ang mag sabi! Tapos ang usap!" iniwan ko na sila sa sala pagkasabi ko nun at pinuntahan si Ally.

"Tok..tok..tok.."

"Ally pwede ba kung pumasok?" 

Hindi siya sumagot, kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto at sinilip ko siya , nakita kong nakahiga siya at mahimbing na natutulog ..

Pumasok ako at nilapitan ko siya, inayos ko ang higa niya dahil hindi siya nakaunan ng maayos baka mangalay siya..

Kinuha ko ang cellphone niya at nakita ko ang tinitingnan niya ...

Picture naming lahat kasama si kier andrei ..

Napabuntong hininga na lang ako ..

"Kier ....." napalingon ako sa kaniya nung marinig ko ang sinabi niya ...

Sino bang Kier ang hinahanap mo...

Kier Andrei o Kier Francis?

Kier Andrei's POV

BREAKEVEN

~ I'm still alive but I'm barely breathing
Just prayin' to a God that I don't believe in
'Cause I got time while she got freedom
'Cause when a heart breaks no it don't break even ~

Nandito ako ngayon sa bar..

Pinapunta ko sina Gerald at Miguel dito pero di ko alam kung darating sila..

Simula nung dumating ako hindi ko nakausap si ally..

FLASH BACK

Pinipigilan ako ni Alyana na pumasok sa loob, sa birthday party ni Kiko..
bUMALIK AKO PARA BAWIIN SIYA..

Tinakasan ko yung tatay ko para sa kaniya. Ayoko na ng plano niya aaminin ko na sa kaniya ang totoo.

Kung ano man ang mangyari o maging desisyon niya tatanggapin ko..

Pinilit kong pumasok, kahit pigilan nila ko babawiin ko siya.

"LOVE"

Nakita ko siya, hawak ng ibang lalaki ang kamay niya.

Masakit.

Nung makita niya ko tumigil ang lahat, nakita kong nagulat ang mga barkada ko, pati na din ang mga magulang ni Ally.

Nagkatinginan kami ni Kiko, hindi ko mabasa ang expression niya at ng ilipat ko ang tingin ko kay nakita ko ang mga mata niya, puno ng luha na unti unting bumabagsak.

Parang nawasak ang puso ko sa nakita ko.

Nasaktan ko ang babaeng mahal ko.

Nasasaktan ko ang babaeng mahal ko.

AT

Masasaktan ko pa ang babaeng mahal ko.

END OF FLASHBACK..

Ininom ko ang baso ng alak na hawak ko ...

Pagkatapos umalis ni Kiko umalis din si Ally ni hindi niya ko kinausap o tiningnan ulit...

Sumunod siya kay Kiko..

Hinabol niya to ng marealize niya na hindi na nito hawak ang kamay niya..

Nasaktan ako kasi pakiramdam ko ayaw na niya kong makita ...

Nakakailang baso na ko pero di ko maramdaman ang tama ng alak sa katawan ko ..

"Bro"

Nilingon ko ang tumawag sakin at nakita ko sina Gerald at Miguel.

"Akala ko tuluyan niyo na kung kinalimutan "

"Gago kahit naman mali yung ginawa mo andito kami kasi kaibigan ka pa din namin" sabi ni Gerald

"Shot" binigyan ko sila ng baso at inalok na uminom

"Thanks"
Tinanggap naman nila ito.

"Bakit ka bumalik?" Miguel

" Para bawiin siya" sagot ko

"Pano kung di ka na niya mahal?"

Iniwas ko yung tingin ko

"Mahal niya ko ramdam ko "

"Pare di lahat ng iniwan mo pwede mong balikan " Gerald

"Yun na nga e ilang beses ko na siyang iniwan hindi ba pero lagi pa din akong may binabalikan"

"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganun ang mangyayari "

Hindi ko sila sinagot .. Ininum ko yung baso ng alak na hawak ko..

"Baka napagod na siya ... napagod na siya sa paulit ulit mong ginagawa"

Tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan..

FUCK...

Ayaw kong paniwalaan pero alam kong possible yung ...


TOTOO.

Dont fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon