Chapter 8

47 2 0
                                    

Ally's POV

Kakauwi lang namin ni kiko dito sa bahay nina lola at saktong tapos na din si tita rechelle.

Isang doctor si tita rechelle. Siya din ang heart surgeon ko.

Oo may sakit ako sa puso noon. Pero dahil sa tulong niya kaya gumaling ako. Araw araw siyang napunta dito para sa
medical mission niya hindi lang naman siya may kasama din siyang ibang tao para tulungan siya.

'' Araw araw kayong nabalik dito di ba kayo napapagod? '' Tanong ko kay kiko.

'' Hindi. At isa pa ang alam ko balak ni mommy na mag tayo ng clinic nag hahanap lang siya ng lugar. ''

'' Talaga? Ang bait naman niya. Pero bakit lagi kang kasama? '

'' Ayaw mo ba akong kasama? ''

'' Hahaha tinatanong ko lang naman e. ''

'' One time kasi habang papunta siya dito naaksidente siya pero di naman ganun kalala kaya ayun sinabi ni daddy na
habang wala akong trabaho samahan ko siya dito. ''

'' Naaksidente? Parang di namin yun alam? ''

'' Ayaw na din kasi ni mommy na ipaalam '' Ngumiti siya sakin.

'' Kaya din siguro magpapatayo ng clinic dahil doon ano? ''

'' Oo ''

Nakita kong lumabas na ang last patient ni tita rechelle kaya pumasok na kami ni kiko.

'' Oh san ba kayo galing? '' Tanong niya samin. Hindi ako sumagot dahil nakatingin sakin si mama.

'' Kumain lang mommy aalis na ba tayo? ''

'' Oo ''

Inayos na nila yung gamit nila kaya tinulungan ko sila.

Nauna ng umalis yung kasama nilang dalawa pa dahil nga nakamotor sila kaya hindi na nila yun naisasabay pa.

'' I guess ito na yung huli nating pag kikita. '' Nakangiting sabi niya.

Bahagya akong nakaramdam ng lungkot.

Kasi siguro dahil sa kaniya nakahanap ako ng comfort zone.

Pero mali din na gawin ko yun.

Tiningnan ko siya.

'' Thank you for this day kiko ''

Ngumiti siya sakin at lumapit. Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko.

'' Sa susunod nating mag kita dapat hindi ka na umiiyak okay? ''

'' Opo HAHAHA ''

Sumakay na siya sa motor niya at inayos ang helmet niya

'' Ingat sa pag dadrive '' i mouthed

Ngumiti lang siya sakin at kumaway.

BEEP BEEP

Tinanaw ko lang sila habang papalayo ang sinasakyan nila.

'' Abegail kailangan nating mag usap '' Narining kong sabi ni mama.

Bumuntong hininga ako bago sumunod sa kaniya. Isang kanto ang pagitan ng bahay namin at ng bahay ni lola.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay.

Aakyat na sana ko ng marining ko nanaman ang boses ni mama.

'' Sabi ko mag uusap tayo bakit aakyat ka kaagad? ''

Napabuntong hininga nanaman ako bago bumaba at umupo sa katapat niya.

Papa's girl ako kaya hindi ko kasundo si mama dahil napakahigpit niya sa lahat ng bagay.

Dont fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon