Ally's POV
"Bata palang kayo, ikaw si Kiko, si Kier Andrei at si Ally. Magkakasama na kayo at ang anak kong si Kierra na kakambal ni Kier Andrei. "
Nag Simula na siyang magkwento at wala akong maintindihan.
Pinakinggan ko lang siya kahit na di nawawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Magkakaibigan kami ng mga magulang niyo. Masaya naman lahat. Sana. Kaso dahil sa kagagawan mo namatay ang anak ko. "
Kagagawan ko?
"Dad please stop" tiningnan lang siya ng tatay niya at nagtuloy sa pagsasalita habang nakatapat sakin ang baril niya.
"17 years old, kayo. Nagmahal siya. Minahal ka niya" sabay tingin kay Kiko
"Pero iba ang mahal mo" sabay lingon sakin. "Bestfriend mo siya diba? " tanong niya pa.
Umiling ako. Pagsabi na wala akong maalala.
"Magkakasama kayong tatlo sa sasakyan. At si Kiko ang driver. Akala niyo mahimbing siyang natutulog. Hindi niya inaasahan na aamin si Kiko sayo. Yung lalaking mahal na mahal niya ay aamin sa babaeng pinakaimportante din sakaniya. Narinig niya lahat. Lahat lahat na mahal niyo ang isat isa. Nasaktan siya. Kaya bigla niyang kinabig ang manibela. Hahaha nag agawan kayong dalawa " tinuro niya si Kiko na umiiyak.
"Pakiramdam niya ginago niyo siya, niloko. At Ikaw" sabay duro Kay Kiko. "Dahil pinaasa mo siya!!!! Akala niya siya Ang mahal mo pero Hindi, iba Ang mahal mo at Ang bestfriend pa niya" Nakita ko kung paano tumiim bagang Ang muka niya.
Habang ako unti unting sumasakit ang ulo ko at may mga pangyayari sa utak ko ang nakikita ko.
"Hanggang sa bumangga ang sasakyan walang seatbelt ang anak ko kaya tumilapon siya sa labas. At namatay"
Fuck...
I don't know what to say
Mas sumasakit Ang ulo ko.
Ugh please Tama na. Ayoko na.
Ayoko ng makinig.
Parang sasabog na Ang ulo ko.
"Tatay ako, kinuha niyo ang anak ko. Pinatay niyo!!!!!! " tinutok niya sakin ang baril.
"Dahil sainyo nawala ang anak ko, ang prinsesa ko. Ang nagsisilbi para mabuhay ako. Dahil sainyo nasira ang pamilya ko, hindi kinaya ng asawa ko ang sakit kaya pati siya ay namatay!!!" Umiiyak na sigaw niya.
OMG.
Ahghhhh!!!
Napapikit ako sa sakit.
Arayy....
Napaiyak Ako sa sakit ng ulo ko at sa sakit ng dibdib ko.
Ang sakit ng mga naririnig ko.
Hindi ko alam paano ko to kakayanin.
Biglang lumapit si Kier Andrei at tinanggal ang takip sa bibig ko.
"Ally okay ka lang?"
"Ang sakit ng aghhh ulo ko aghhhh"
"Tumabi ka dyan" tinulak siya ng tatay niya.
Sinakal niya ako habang nakatutok sa ulo ko ang baril.
"KASALANAN MO KUNG BAKIT NAMATAY ANG ANAK KO!!! KAYA PAPATAYIN DIN KITA"
"Acck bi-bita-tawan mo a-ako" nahihirapang sabi ko.
Mas sumakit ang ulo ko pero wala akong maalala.
"Dad tama na " tinulak siya ni Kier Andrei
Tumalsik ang tatay niya
"hahahaha hindi pa tapos. Si Kier Andrei anak ko siya. At sinabi ko na paibigin ka niya at iwan. Para mas maramdaman mo ang sakit na dinanas ng anak ko dahil ikaw ang pinili ng lalaking mahal niya"
Anong? Anong sabi mo?
"Anong ibig mong sabihin" naguguluhang tanong
"Ganun ka ba katanga? Pinaibig ka lang ng anak ko para saktan dahil kung galit ako mas galit siya sayo. " tiim bagang na sagot NIYA
Napatingin ako kay Kier Andrei ...
Lumuluha siya.
Umiiyak ...
Hahahahaha
Tangina!!!!
"How could you do that to me?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Bakit hindi? Pinatay mo ang ----
"Hindi ko siya pinatay!!!! Aksidente po ang nangyari" hindi ko mapigilang di mapasigaw.
"Aksidente? Hindi yun aksidente kung di niya narinig ang pag uusap niyo hindi mangyayari to" madiin na sabi niya.
"Tito Alam po natin na aksidente ang nangyari walang may gusto nun. Kaibigan lang ang kaya kong ibigay kay Kierra kahit kelan di ko siya pinaasa"
Napalingon kami Kay Kiko.
"Simula't sapol si ally Ang mahal ko. At alam ni Kierra yan. Alam niya yan. Dahil Hindi Yun Ang unang beses na marinig niyang mahal ko si Ally. " nakatungong Sabi niya.
Napatigil Ang daddy ni Kiko.
"Bago pa kami lumabas na tatlo umamin na siya Sakin. Pero sinabi ko siya Hindi lang Isang beses napakaraming beses na si Ally Ang mahal ko at Sabi niya tanggap niya .. Akala ko lang Pala Yun. Akala ko tanggap niya" tumulo Ang luha niya
"nasaktan din Ako Tito. Nawala si Kierra. Sinisi ko din Ang Sarili ko. Namatay si Kierra, nagakasakit si ally nakalimutan niya ko. Pero Anong magagawa ko. Aksidente po Ang nangyari. Tinanggap ko na lang LAHAT. Kaya sana kayo din" nagmamakaawang sagot ni Kiko.
Tiningnan ko si Kier Andrei. Nakikita ko Ang galit sa mga Maya niya habang nakatingin Kay Kiko.
Hindi ko alam Ang mararamdaman ko.
Ng biglang
May humampas ng Isang matigas na bagay sa ulo ko.
"Aghhhhhhhhhhhhhh" namilipit Ako sa sakit. At sa paghampas sa ulo ko may mga pangyayari akong Nakita na di ko inaasahan
Flashback*
"Kierra tingnan mo oh" tinuro ko sa bestfriend ko Ang magandang bituin sa langit hihi nandito kami sa EK. Lumabas kaming tatlo Nina Kiko.
"ANG GANDA *-* " bulaslas niya.
"Kier Andrei"
"Kiko mahal kita"
"Ally mahal kita una palang"
"Mga hayop"
"Pinaasa mo Ako"
"Kung di ka magiging akin mamamatay na tayong LAHAT"
"Ahhhhhhhh"
End*
Bigla Kong iminulat Ang mga Mata ko at nagtama Ang paningin namin ni Kiko.
Lumuluha ko siyang tiningnan.
"Kierra" mahinang bulong ko
"Ally" lumapit si Kier Andrei
"Bitiwan mo ko. Wag Kang lalapit sakin wag mo Kong hahawakan" tiningnan ko siya ng masama.
"Niloko mo ko. Bakit di mo sakin sinabi? Bakit? Ilang taon Ang nawala Sakin para madalaw Ang kaibigan ko! Ang bestfriend ko. Paano niyo nagawa Sakin to? Paano niyo nagawang maglihim sakin" lumuluhang Sabi ko.
Ang sakit lang na Yung lalaking Akala Kong mahal ko ginamit lang Ako.
Tiningnan ko si Kiko
"Kaya ba ganun na lang kadali na mahulog Ang loob ko sayo? Kaya ba ayaw ni mama na makasama kita? " Puno ng hinanakit na sambit ko.
Hindi Sila makapagsalita.
Nakatingin lang Sila sakin. Magsasalita pa sana Ako ng biglang nandilim Ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...