Ally's Pov
Halos isang oras din akong nag mukmok don at iyak ng iyak. Mabuti na lang at walang tao doon.
Tumayo ako at nagpunta sa banyo para mag hilamos at ayusin ang sarili ko.
Hinding hindi na muli ako iiyak sayo.
At hinding hindi na muli ako iiyak sa isang kier na tulad mo.
Tumingin ako sa salamin nag powder at lipstick mabuti na lang at lagi ko itong nakalagay sa bulsa.
After kong mag ayos pumunta na ako kina lola. Dumaretso ako sa likod bahay may duyan doon. Pinili ko dito dahil tahimik. At dito wala kaming alaala ng mokong na yun.
Kinuha ko yung headset ko at nag patugtog ng kanta.
Now playing :
🎶 Ikaw Pa Rin
Raffy CalicdanIpipikit aking mata
At magdarasal na makapiling ka
Umaga man o gabi
Hindi magsasawa
Sayo ay babalik
Balik balikan ang alaalang kay tamis 🎶Napangiti ako ng mapait babalik balikan ang alaala na kay tamis? Hindi na. Ayoko na.
Pero kahit anong pilit ko. Kusang nag plaplay sa utak ko ang mga oras na kasama ko siya.
Yung masasaya naming araw na dalawa .
🎶Wag na wag kasanang umalis
Ilang ulit kong sasabihin
Sayo na
Ikaw parin
Ikaw lamang ang natatanging pagibig ikaw parin 🎶Umalis ka. Iniwan mo ko. Para sakaniya.
Pwede mo namang sabihin na " Ayoko na. May iba na ako "
Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Akala ko tapos na akong umiyak. Hindi pa pala.
🎶Hindi ipagpapalit
Mahalin paulit ulit
Uulit ulitin sambitin
Ikaw at ikaw parin
Ilang ulit kong sasabihin sayo na ikaw parin🎶Sabi mo ako lang. Di mo ako ipagpapalit.
Eh sino siya?
Bat siya ang kasama mo at di ako?
Nag lolokohan ba tayo dito?
🎶Ikaw lamang natatanging pagibig
Ikaw parin
Hawakan ang aking mga kamay
Samahan mo ako sa paglalakbay
Kumapit ka at wag ng bumitaw
Ikaw ang nais kong natatanaw
Halika na
🎶Ikaw ang unang bumitaw.
Wala na finish na.
Kung noon sinabi mong wag akong bibitaw..
Ngayon..
Paano akong di bibitaw kung wala na akong dahilan para kumapit pa?
Kung ikaw mismo ang bumitaw.
Durog na durog ako.
Paano ko ulit bubuuin ang buhay ko?
Ang puso ko ..
Na sinira mo ...
<|3
Minulat ko ang mata ko at sa pag mulat ng mata ko. Nakita ko ang isang lalaki na nasisinagan ng araw.
" Kier " ...
Binigay niya sakin ang panyo na hawak niya.
" Akala ko ba kiko? "
Nabalik ako sa ulirat nung narinig ko ang sinabi niya.
Shit. Ibang kier pala ang nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...