Kiko's POVNakatingin lang kami sa isat isa ni ally. Ang lakas ng tibok ng puso niya ramdam na ramdam ko. Namumula din siya at nagugustuhan ko ang
epekto ko sa kaniya. Masama ba kung gustuhin kong mahulog siya sakin?Masama bang isipin ko naman yung kaligayan ko?
Masama bang bawiin ko yung ilang taon na di ko siya nakasama para sa kaligtasan niya?
Masama bang mahalin ko siya?
Ayokong isipin na mali ang ginaga kong makasama siya. Mahal ko si ally simula noon hanggang ngayon.
Ako dapat yung kier na iniisip niya.
Ako dapat yung kasama niya noon.
Ako dapat yung nag papasaya sa kaniya.
Okay lang naman siguro na ilapit ko ulit ang sarili ko sakaniya.
Na...
Bawiin ko kung ano talaga ang sakin.
'' Ehem baka gusto niyo nang tumayo dyan ''
Nakita namin si katelyn na may hawak na camera at nakangiti sakin ng nakakaloko.
'' Tss ''
Dali dali namang tumayo si ally at umalis agad. Dare daretso lang siyang nakaalis. Sina mama at tita alex naman ay kanina pa nakaalis may pupuntahan lang
daw silang dalawa.'' Ayiiee ikaw kuya ha? Hihi ''
Di ko pinansin si katelyn at umalis na lang din ako dala dala yung mga mangga na kinuha ko para sa kanila naabutan namin si ally na nasa kusina umiinom
ng tubig.Pulang pula pa din siya kaya mas lalo akong napangiti at nung tumingin siya sakin ay iniiwasan niya yung mga tingin ko.
'' Pumunta ka na sa salas ako ng bahala dito. ''
Umalis naman siya at wala man lang siyang sinabi. Napailing na lang ako.
Sinimulan ko ng hugasan ang mga mangga. Mahilig talaga to si ally sa mangga akala mo palaging nag lilihi.
Naalala ko nanaman yung sinabi ni tita alex. Dito na ulit sila titira sa laguna? Ibig bang sabihin pumapayag na ulit siyang mapalapit ako kay ally?
Maya maya pa binalatan ko na ang mga mangga at nanggawa na din ako ng sawsawan nila. Narinig kong nanunuod sila ng movie.
Hulaan ko yung paboritong loveteam nanaman ni katelyn ang pinapanood niya.
Nagdala na din ako ng chips at cookies. Ano ba to may matamis, maalat at maasim. Di kaya sumakit ang tyan nila?
Pumunta na ako sa salas at tama nga nag hinala ko nanunuod sila ng movie.
'' Mia hinanap kita akala ko di na kita makikita '' Sabi ng male character sa pinapanood nila.
Tiningnan ko sila at talagang tutok na tutok sila sa pinapanood nila di nga ata nila alam na nandito na ako.
'' Mahirap magmahal ng taong di pa tapos magmahal ng iba elle. ''
Napatngin ako kay ally. Bakit parang natamaan ako don?
''Mia mahal kita '' Sabi ulit nung leading man.
'' You dont have to. Wag mo kong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ko dahil mahal mo ko because thats the love i will deserve ''
Nakita kong tumulo ang luha nilang dalawa.
Napailing na lang ako mga babae talaga tsk akala mo nararamdaman talaga nila.Maya maya pa natapos na ang palabas na wala akong ibang ginawa kundi titigan lang si ally. Lumingon siya sakin bigla kaya ngumiti ako pero umiwas lang
siya ng tingin. HmmKinuha ko ang isang mangga ..
'' Here para sayo may kasamang pag mamahal yan ''
Ang tagal kong nakatingin lang sa kaniya. Akala ko di niya kukunin pero kinuha niya din sa huli.
Tinikman niya yung mangga ng nakatingin sakin. Sumimangot naman siya bigla.
'' Bakit?''
'' Ang asim naman ng pag mamahal mo ''
0.0 ako
'' HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA BOOM BARA '' Katelyn
Ano daw?
Maasim?
Tiningnan ko lang siya at patuloy pa din naman siya sa pag kain pero di na niya ko tiningnan pa.
Hays ally.
Paano ba kita paaamuhin?
Sana lang s apag babalik mo sa laguna maging maayos ang lahat. Hindi lang ikaw kundi tayo.
Ally's POV
Nandito ap din ako kina kiko. Kakadating lang nina mommy galing daw silang grocery. Tiningnan ko yung orasan its already 8 pm in the evening .
Wala kaming ibang ginawa ni katelyn kundi manood at syempre asarin ni kiko pero mga 4pm umalis siya dahil may kailangan daw siyang puntahan.Asan na kaya yun? Bakit di pa siya nauwi?
Lumapit ako kina mommy para itanong kung anong oras ba kami uuwi.
'' Mom anong oras po tayo uuwi?''
'' Hindi tayo uuwi anak dito muna tayo magstay bukas na tayo uuwi sa apartment mo ''
''Ha? Pero bakit po? ''
'' Basta wag ka ng magtanong ''
Tinalikuran niya lang ako at nag tuloy sa ginagawa nilang pag luluto ni tita rechelle. Ano bang meron bakit ang dami nilang niluluto?
Hinanap ko si katelyn pero di ko makita siguro tulog na yun. Pumunta nalang ako sa garden para doon muna magpalipas. Aantayin ko na din si kiko.
Umupo ako sa swing at nag duyan. Hindi ko na ulit makita ang imahe ng dalawang bata na nakita ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung anong konektado
nila sa buhay ko.Tniningnan ko yung cellphone ko nag open ng message. Umaasa pa din ako na baka isang araw mag message ulit siya sakin. Pero bakit ko pa ba papaasahin
ang sarili ko kung una pa lang alam kong wala ng pag asa simula nung makita kong may babaeng sumagot sa tawag ko sakaniya. Kahit sagutin niya
lang ang mga tanong ko kung bakit? Bakit niya ko iniwan at ipinagpalit baka maging okay ako.Pinatugtog ko ang isang kanta na naalala ko siya ..
~ Laman ka ng pusot isipan di na kita maiiwasan
pag ibig ko sanay pagbigyan
bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawawala wala pa
kahit na alam ko ng ang puso moy may mahal na ngang iba ''Unti unti nakaramdam ako ng antok saglit kong sinandal ang ulo ko .
~ Masaya kapag siya ang kasama?
Di mo na ba ako naaalala ...Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala wala pa
kahit na alam kong ang puso moy may mahal ng iba ayaw
ng paawat ng aking damdamin tunay na mahal ka namag hihintay pa din at aasa ..
'' Ako na lang ally, ako na lang ang mahalin mo. Dahil ako naman talaga ang mahal mo simula una pa lang. Hayaan mo lang ako na mahalin ka at alagaan ka. ''
Narinig ko ang mga tinig na yun pero di ko maimulat ang mga mata ko dahil sa inaantok na din ako.
Pero kahit nakapikit ako, kilalang kilala ko ang boses ng nag mamay ari nito.
Sana nga ikaw na lang ang mahalin ko.
KIER FRANCIS GOZON.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...