Chapter 9

40 1 0
                                    

Alyana's POV

Tapos na kaming kumain at nandito ako sa kusina nag prisinta akong tulungan si bff na mag dayag ng pinggan.

Hindi ko alam kong paano siya kakausapin sa pag lalaguna niya ng di siya nakakahalata.

Ako si alyana Desiree Alonzo ang bestfriend niya.

Bestfriend niya ako pero wala akong magawa para sa kaniya.

Nasasaktan siya pero di naman siya nag sasabi.

Nung umalis si kier wala akong narinig sa kaniya kundi ang salitang okay lang ako.

Pinupuntahan ko siya pero mag aakit lang siyang kumain. Tapos wala na uuwi na ako ng hindi man lang siya nag shashare.

Gusto ko siyang malaman kong anong nararamdaman niya kasi pakiramdam ko hindi na ako ang itinuturing niyang bestfriend.

Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan din siya.

Gusto ko siyang yakapin pero ayaw niya.

Pakiramdam ko wala akong kwentang bestfriend. :(

At nalulungkot ako sa isipin na yun.

Matatapos na kaming mag hugas pero di pa din kami nag uusap.

Namimiss ko na yung dating siya.

Yung dati siyang makulit masiyahin at mapagbiro.

Pero simula nung umalis si kier para siyang bumalik sa abegail nung mga oras na una ko siyang nakilala.

Walang kibo at di nag sasalita.

At higit sa lahat.

Malungkot ang mga mata niya.

'' Eto ang towel bff mag tuyo ka na para makasunod na tayo sa kanila ''

Tumalikod na siya sakin at wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya.

Pagkapasok namin sa loob nag katinginan agad kami ni Tita Allesandra.

May ibig sabihin ang tingin niya pero di ko makuha.

Alam kong di rin siya sang ayon sa pag alis ni Ally pero wala din siyang magagawa.

Dahil baka sa kakahigpit nila magsinungaling lang sakanila si ally na minsan na nitong ginawa.

'' Dito ba kayo matutulog alyana? ''

'' Opo tita ''

'' Kung ganoon samahan mo ako para kumuha ng mga unan at kumot niyo''

Sumunod ako sakaniya alam kong dahilan niya lang to para makapag usap kami.

'' Tita bakit niyo pinayagan si alyana? ''

Bumuntong hininga siya bago humarap sakin.

'' Wala akming nagawa alyana dahil baka mag sinungaling lang siya at tumakas tulad noon diba? ''

'' Pero paano kung .. ''

'' Hindi yun mang yayari alyana papabantayan namin siya ng di niya nalalaman. ''

Siguro nga ganun na lang.

'' Nasaan na ba kasi si kier bakit kelangan niyang umalis? ''

Naalala ko yung nangyari kanina habang nakain kami.

Flashback *

Masaya kaming nakain ng biglang ..

'' Teka parang kulang kayo a? ''

Dont fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon