Chapter 44

5 1 0
                                    

Kiko's Pov

Bigla na lang nawalan ng malay si Ally. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa.

Tang in@@!!!

"Ally!!!" Lumapit si Kiko.

"Ally please wake up. " tumingin siya sa tatay niya.

"Dad please Dalhin natin siya sa ospital." Nakatulala lang ang tatay niya kay Ally. Hindi ito makapagsalita.

"DAD!!!!"

"No" umiling ito.

"Anong No? DAD MAMAMATAY SIYA"

"Wala akong paki. Hindi ba at ito naman talaga ang plano? Kier Andrei ang mamamatay siya? Bakit nagbago ata? Mahal mo na ba siya ha? Ha? "

"Tito please Dalhin natin sa ospital si Ally ako na lang. Ako na lang galit kayo sakin diba? " lumuluhang sabi ko.

"Dad aksidente ang nangyari at walang may gusto nito. Kaya tama na please. Pagod na pagod na ako. Nawala na satin sina Kierra at Mommy wag mo namang hayaang pati ako mawala sayo"

Hindi nakapagsalita ang Daddy niya. Nilapitan ako ni Kiko at pinakawalan. Hinayaan naman kami ng Daddy niya. Tumakbo ako agad kay Ally.

"Ally please hold on dadalhin ka namin sa ospital"

Pinagtulungan naming tanggalin ang tali ni Ally. Binuhat ko siya.

"Kiko dali"

Sumakay kami sa kotse ni Kiko at nilisan ang lugar na yun.

Pagkarating namin sa St. Lukes Medical Center tinakbo agad namin siya sa emergency room.

"Nurse please gawin niyo ang lahat."

"Sir sa labas na po muna kayo bawal po kayo dito sterile po ang lugar na to". Wala kaming nagawa kundi ang lumabas.

Kinuha ko ang cp ko at tinawagan ang mommy ni Ally.

Sinagot naman niya agad ang tawag ko.

"Oh Kiko kasama mo ba si Ally wala pa kasi siya dito"

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Tita nandito po kami sa St. Lukes si Ally po "

"Ano? Anong nangyari. Mygod. Intayin mo kami dyan"

Binaba na niya ang telepono. Tinawagan ko din si Mommy para masabi niya sa mga doctor ang kalagayan ni Ally.

Lord, please iligtas mo po siya sa pangalawang pagkakataon. Pangako. Hindi na ako lalapit sa kaniya. Hindi ko na siya guguluhin. Hinding hindi na.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Maya maya pa lumabas ang doctor.

"Asan ang parents ni Ms. Salvador" tumayo ako kaagad

"Papunta na po sila doc. Kamusta na po si Ally?"

"She needs an operation. May nabuong dugo sa ulo niya kapag di pa ito naagapan mas magkakaroon ng malaking komplikasyon so the parents need to sign the waiver"

"bakit kailangan pa ng waiver kung emergency naman pala?!" Nakakunot na tanong ko.

"I'm so sorry hijo buts thats the policy "

"Fucking policy "

"Doc hows my daughter" biglang dumating si tita.

"Your daughter still unconscious. She needs an operation. There's a blood in her brain. "

"Gawin niyo po ang lahat doc" lumuluhang sabi ni Tita.

I'm sorry tita di ko ulit siya naprotektahan.

Lumingon samin ang Mommy ni Ally.

"Ano bang nangyari kiko? At bakit magkasama kayo ha? Kelan kapa nakabalik Kier Andrei?" Sunod na sunod na tanong niya.

"Tita anak siya ni Tito Kiel. "

"ANO?!"

Nakatungo si Kiko.

"PAANONG?! ANAK KA NI KIEL? "

"Akala ko pinsan ka ni Ally sa mother side? Paanong nangyari na anak ka ni Kiel ha? Wag mong sabihing ...

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

"Opo pumasok ako sa buhay ni ally para maghiganti. "

*PAK* isang malakas na sampal ang ginawad ng mama ni Ally kay Kier Andrei.

"Wag mong sabihin na kaya andyan ang anak ko ay dahil nanaman sa kagagawan ng tatay mo?! " mahihimigan ang galit sakaniya.

"Tita let me explain"

"Explain ? Explain what? Ilang ulit bang kailangang ipaliwanag sa inyo na walang kasalanan ang anak ko sa pagkamatay ni Kierra. Naaksidente din siya. Muntik ng mamamatay. Nawalan ng alaala. Hindi lang kayo ang naghirap kami din"

"Pero namatay ang kapatid ko at si Ally hindi" hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya hinablot ko ang kuwelyo ni Kier Andrei at sinapak ko siya. Tumalsik siya sa sobrang lakas ng sapak ko. Sinigurado ko na magdudugo ang labi niya.

"Tarantado ka!!!! Ang sinasabi mo ba ay dapat namatay si ally ha? Akala ko ba mahal mo siya?! "

"Hindi ko siya mahal"

"Sinong niloko mo? Sarili mo?"

Nakikita ko na mahal niya si ally pero dahil sa tatay niya gusto niyang pigilan to.

"Akala ko mahal mo talaga siya. Pero nagkamali ata ako. Pinaubaya ko siya sayo Kier. Pero sinaktan mo siya"

"Pinaubaya? Ha? Nag papa tawa ka ba? Alam naman natin na ikaw talaga ang mahal niya. Minahal ako ng isip niya pero hindi ako minahal ng puso niya. Ng buong buo"

Hindi ako nakapagsalita.

"Mahal ko si Ally. Mahal na mahal. Kaya pati sarili kong tatay hindi ko na sinusunod. Kinalimutan ko ang nangyari sa kapatid ko at sa nanay ko. Dahil alam kong aksidente lahat. Oo nung una nagalit ako. Pero unti unti minahal ko siya. Hindi siya mahirap mahalin. Pero nung nakita kita, nakita ko kayo. Sa anim na taon na kasama ko siya. Hindi ko pa nakita ang kislap sa mata niya kapag ako ang kausap niya. Kaya sa anim na taon. Alam ko kapag nakita ka niya. Lahat ng pinagsamahan namin sa anim na taon maglalahong parang bula" nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.

Maya maya biglang dumating ang mga kaibigan niya.

Ally please lumaban ka.

Dont fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon