Chapter 48

0 0 0
                                    

Kiko' Pov

"Ano ba Naman yan kuya Ang baho baho Muna"

Narinig Kong Sabi ni Katelyn na biglang pumasok sa kwarto ko.

"Ewww baka gusto mong maligo. " dagdag pa niya

"Lumabas ka na"

" I bring you food. Mygod kuya it's been a week, who told you ba Kasi na mag alis alisan sa ospital at Sabihin Kay ate ally na " pinapalaya na kita" baliw ka ba kuya baki---

Binato ko siya ng unan.

Broken hearted Ako tapos gagayahin pa Ako.

Ang Arte Arte pa di Naman ganun pag kakasabi ko.

"Aishhhhhh" sinambunutan ko Ang buhok ko.

" ewww maligo ka Kasi I go down na I call ate ally bleee" dinilaan pa niya Ako at lumabas na siya.

Tss napakaarte.

1 week.

1 week na Kong nagkukulong sa kwarto ko. Dahil sa ginawa ko.

Tsk.... bakit ko ba Kasi sinabi Yun? Bakit ko sinabi na pinapalaya ko na siya?

Akala ko ba ipaglalaban ko siya.

Tsk. Duwag ka talaga kahit kelan Kiko.

Isang linggo ko siyang di nakikita.

Hindi Ako napasok sa trabaho.

Nagfile Naman Ako ng leave.

Sick leave.

Bakit may sakit Ako. May masakit Sakin Yung puso ko.

Tumayo Ako at humarap sa salamin.

Ang laki ng eyebag ko. Hindi Ako nakakatulog.

Ang haba na ng balbas at bigote ko.

Pati Ang buhok ko Ang haba na.

I'm hopeless.

Last time na ginawa ko to si Ally pa din Ang dahilan.

Pinatay ko din Ang cp ko para walang makakatawag sakin.

At baka Umasa pa Ako na tawagan Ako ni Ally.

Toktoktok

Napalingon Ako sa pinto ng may kumatok.

"Pasok" baka katulong lang ya---

"Wt"

Nagulat Ako ng Makita ko si Kier Andrei.

"Anong ginagawa mo Dito?" Nakakunot na Tanong ko.

"Wth! Anong itsura yan pare" natatawang Tanong niya.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Close ba Tayo para tawagin mo Kong pare"

Tinaas niya Yung kamay niya

"Chill andito lang Ako para magpaalam"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit ka magpapaalam"

" Wala ka ba sa tamang pag iisip ha? Tsss. Aalis na Ako "

" oh tapos? "

Hindi ko maintindihan bakit siya andito.

"Teka nga sino bang nagpapasok sayo Dito? "

"Mommy mo"

"As I was saying I'm here to say goodbye. I'm going back to America. Andun na si Dad. He finally back to his senses. Hindi na niya kayo guguluhin. Don't worry nag usap na din Sila ng parents ni Ally at nagkaayos na. "

Nagulat Ako sa sinabi niya. Matapos nun ganun lang?

"Alam ko iniisip mo. Syempre dapat makulong siya. But tita allessana says it's fine. I mean para na din Kay Ally to have a peaceful life. "

" ahhhh "

" HAHAHAHA MUKA KANG TANGA ANO BANG SINESENTE MO DYAN? Eh Ikaw Ang mahal ni ally diba? "

"Sinong may Sabi? Ikaw Ang mahal niya di pa ba obvious?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Abnoy ka. "

"Ano"

"Gago"

"Siraulo ka ba"

"Tanga pa tsk " nilapitan ko siya. At hinawakan sa Damit niya.

"Pumunta ka ba Dito para magpasuntok"

"Hahahahaha chill bro, kaya Ako nandito ay para Sabihin sayo na umayos ka. Alam natin na Ikaw Ang mahal ni Ally. Kaya di ko maintindihan kung ano Ang inarte mo Dyan? Nung nakausap ko siya alam ko at ramdam ko na Ikaw Ang mahal niya. Kaya bakit pinapalaya mo siya? "

Natigilan Ako.

Ay umiwas ng tingin.

"Alam Kong mahal niya ko pero lagi siyang napapahamak ng dahil sakin. "

" bakit sayo? Ikaw ba Ang pumalo sa kaniya? Ikaw ba Ang kumidnap sakaniya? "

Umiling ako.

"Hindi Naman Pala e. "

"Pero dahil sakin, dahil sa --

"Nagmahal ka lang. Hindi kita sinisisi sa nangyari Kay Kierra. Siguro dati? Pero ngayon Hindi na. Maluwag na sa dibdib Kong alam Kong aksidente lang Ang LAHAT. Na dapat walang nagsusuffer sa Inyo ni ally. Hindi natuturuan Ang puso.kaya bakit Ako magagalit kung si ally Ang minahal mo at Hindi Ang Kapatid ko? Beside kayo Naman talaga para sa isat Isa simula bata pa lang kayo. "

Tiningnan ko siya at nakikita ko Ang pagiging totoo sa mga sinasabi niya.

" gusto Kong magpasalamat sayo, dahil Isa ka sa mga tao na nagprotekta Kay Kierra Nung mga panahon na Wala Ako. Salamat. "

"Wala Yun. "

" kaya Ngayon aalis na Ako, ayos na Ang LAHAT Wala ka ng dapat na isipin pa. Kaya maligo ka na at Ang baho muna hahaha puntahan Muna si ally dahil inaantay ka na niya"

Bumilis Ang tibok ng puso ko.

Parang LAHAT ng lungkot at sakit ay nawala.

"huwag Kang duwag. Ikaw Ang mahal kaya dapat lang na ingatan, alagaan at mahalin mo siya"

"Alam ko " nangingiting Sabi ko

"Tsk alam mo eh Yung nangyari sa kaniya iniwan Muna siya tsk tsk paano Ngayon manunuyo ka galit na galit pa Naman siya at parang di ka na mapapatawad"

"Ano?! Diba Sabi mo inaantay niya ko?"

"Hahaha ABA Malay ko sinabi ko lang Yun para maligo ka. Hahahaha 😆"

Tiningnan ko siya ng masama.

" Sige na aalis na Ako baka malate pa Ako sa flight ko sinabi ko lang to sayo Kasi di ka Naman nakikinig sa mommy mo"

Tumalikod na siya pero Bago pa siya makalabas nagbitaw pa Muna siya ng mga salita.

" Huwag mong sasaktan si Ally dahil kapag Malaman ko na sinaktan mo siya Hindi Ako magdadalawang isip na bumalik Dito para bawiin siya"

At sinara na niya Ang pinto.

"Siraulo sino bang nagsabi na sasaktan ko Ang babaeng mahal ko"

Ang kailangan ko na lang ay Ang bumawi Kay Ally.

Pero paano?

Dont fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon