Kier Andrei's POVGalit.
Selos.
Lungkot.
at PAGSISISI ang nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko silang masaya.
Inagaw niya sakin ang lahat.
Dapat ako ang kasama niya.
Babaeng mahal ko ang yakap niya.
Mga kaibigan ko ang kasama niya.
Pero alam ko sa sarili ko na ako, ako ang nang agaw.
Tumulo ang luha ko at agad kong pinahid ito.
"Tss. nasasaktan ka? Bakit? Una palang di siya sayo Kier. "
Hindi ko pinansin si Cloud. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila.
"Uulitin ko Kier Hindi siya sayo. HINDI SIYA SAYO SIMULA PALANG NOONG UMPISA LAHAT NG ITO PLANO LANG. "
Bago pa ako makalingon sa kaniya ay umalis na siya.
"Mahal kita Ally. At nasasaktan ako sa katotohanan na alam kong nasa kamay ka na ng taong dapat kasama mo noon pa"
Tiningnan ko sila sa huling pag kakataon.
"Sana mapatawad mo ako ally, my love "
At tumalikod ako.
Ally's POV
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko ang mga mukha ng mga kaibigan ko na pinalilibutan ako at may nakatutok na camera sakin.
HUH?
Camera?
Ginalaw ko ang braso ko at ...
Huh?
Nanlaki ang mata ko ng makita ko sa katabi kong natutulog si kiko at nakayakap ako sa kaniya.
'" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH"
Nagising agad siya sa sigaw ko at napabalikwas.
"Bakit ka sumisigaw?" nanlalaki ang matang tanong niya.
" Ba-bakit kata-t-bi kita?"
"Di mo ba naalala?"
"Naalala ang alin?" naguguluhang tanong ko.
Tiningnan ko ang mga kasama namin at hawak pa din nila ang camera. Yung liwanag na nakita ko pala ay flash ng camera -_-
"Hahahaha nakakatawa kayo" sabi ni alyana
Tiningnan ko siya ng masama " Anong nakakatawa don?"
Mas lalo lang silang nagtawanan kaya mas lalong sumama ang mukha ko at pati si Kiko ay nakikitawa na din.
" Ano bang nakakatawa?" -_- ngumuso pa ako.
" Nalasing ka kais kagabi at sa dami ng nainum mo i mean sa dalawang san mig na nainum mo nalasing ka na HAHAHA"
IH?
" Nalasing agad ako?"
" Oo baby "
" Wag mo nga akong tawaging baby " nginusuan ko si Kiko.
" Hahahaha anong gusto mo babe, love, sweetie "
" WALA AMP"
Tumayo na ako at iniwan sila. Nagtatawanan pa tss. Dumaretso ako sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin.
Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na ako. Wala ng tao sa kwarto.
Naalala ko nanaman na magkaratig kami. Tsk sa ilang taon namin ni Kier hindi man lang kami nagtabi.Naramdaman ko nanamang namula ako.
Inayos ko na yung mga gamit ko. Ngayong araw na din ito kami uuwi. Dahil lunes na bukas at may pasok na kami sa trabaho. Pati yung mga kaibigan ko
may mga trabaho na. Kasama ko sa trabaho si alyana at mimi samantalang si briana at lea sila ang magkasama. Yung boys hindi ko alam kong anong
gagawin nila wala naman silang sinasabi.Tok-tok-tok. (Katok yan wag kang ano HAHAHA)
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon.
" Ready ka na? "
" Oo" ngumiti ako sa kaniya.
" Nasa labas na sila at nasa sasakyan na din tayo na lang ang inaantay"
"Bakit naman sila nauna na?"
" Kanina pa sila nakahanda tayo na lang ang inaantay"
"Okay tara na "
Nginitian ko lang siya. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa mga sasakyan. Siya na din ang nagdala ng gamit ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Thank you "
"Welcome"
Halos ilang oras din ang byahe namin.
Kami lang ulit dalawa ang nasa sasakyan ni Kiko.
Hinawakan niya yung kamay ko. NIlingon ko siya." Baka mabangga tayo"
" Mas safe tayo kapag hawak ko yung kamay mo"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
" Ang korni mo"
"HAHAHAHA Mahal kita ally"
Hindi ko napigilan ang bahagyang kiligin hehehe.
Darating yung tamang panahon na masasabi ko din sayo ang salitang yan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang hawak ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...