Kiko's POVNauna na akong bumaba at hinintay ko na lang sila sa kotse ko.
Nakapamulsa akong sumandal sa pinto nito habang nilalaro ng isang kamay ko ang susi ng kotse ko.Maya maya pa narinig ko ng bumaba sila pero di ko pa din sila nililingon ..
'' Ehem ''
Tiningnan ko si Ally at ang ganda niya sa simple short at tshirt na suot niya ..
Nakakainis lang dahil nakikita ang mahaba at makinis niyang binti..
Pumasok na si katelyn sa backseat at sinundan lang niya ng tingin si katelyn at maya maya ay pinagbuksan ko na din si
ally para makasakay sa passenger seat.'' Salamat :) ''
Nginitian ko lang siya.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at nag umpisang mag drive malapit lang naman ang bahay namin.
Maya maya pa.
'' Ate ally buksan mo yung stereo please ''
Binuksan ni ally ang stereo at agad na may narinig kaming kanta ..
~ Kamusta ka na?
Sana'y ikaw ay laging masaya ngayon
Kasamang mga kaibigan mo pakinggan mo ang sasabihin ko ....~ Aaminin ko sa lahat ng taong nandito ..
Aaminin ko ikaw pa rin ang hinahanap ko ..Nilingon ko si ally at napansin kong nakatulala siya. Nakatingin sa labas ng bintana pero alam kong may iniisip siya.
Iniisip nanaman ata niya si Kier .. Kung pwede ko lang hilingin na sana ako na lang ang kier na iniisip niya ..
Habang nag dadrive palipat lipat ang tingin ko sa daan at sa kaniya ..
~ Tanda mo pa ba?
Mga panahong tayo ay laging magkasama?
Puno ng ligaya di ko maisip na bigla na lang nawala ..~ Aaminin ko sa lahat ng taong nandito ..
Aaminin ko ikaw pa rin ang hinahanap ko ..Malapit na kami sa bahay. Hindi ko alam kong maganda bang ideya na dalhin ko siya rito.
Itinabi ko ang sasakyan at bumaba.
Bumaba na din si katelyn pero napansin ko na ganun pa din nag pwesto ni ally .'' Ally? ''
Tinawag ko siya ..
'' Ate ally? ''
Tinawag din siya ni katelyn pero di niya kami nilingon.
Tinawag ko ulit siya pero ganun pa din kaya tinapik ko na ang balikat niya dahilan para magitla siya..
'' Your spacing out ate ally ''
'' Im sorry nandito na pala tayo hehe '' Tumingin siya samin dalawa at bumaba na din siya.
Hinila siya ni katelyn kaya sumunod ako sa kanilang dalawa. Nakita kong tiningnan niya ang paligid.
'' Mahilig si mommy sa mga bulaklak '' Sabi ko.
Nakita kong tumitig siya sa swing ang tagal niyang nakatingin doon at habang tumatagal napapansin kung nag iiba ang kilos niya.
Bigla niyang hinawakan ang ulo niya kaya agad ko siyang nilapitan para tanungin siya.
'' Ally okay ka lang? ''
Pero hindi niya ko sinagot sa halip ay hinawakan niya ang ulo niya at pumikit.
Tinatawag ko siya pero parang di niya ko naririnig dahil nakatingin lang siya sa kawalan at patuloy na nakahawak sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...