Chapter 47

5 0 0
                                    

Ally's Pov

After a week nakalabas na Ako sa ospital. Andito Ako Ngayon sa puntod ni Kiera Kasama ko si Kier Andrei.

"Kierra Andrea Alvarez"

Basa ko sa puntod na nasa harap ko.

Naramdaman ko Ang pag alis ni Kier Andrei sa tabi ko.

"Kierra"

Biglang nagflashback kung paano ko siya naging bestfriend.

Flashback ✔️

Nakaupo Ako sa swing sa labas ng bahay namin. Nakita ko Ang Isang sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay namin.

Sinilip ko Ang mga taong nasa labas.

Wow Ang lalaking box

Naiisip ko na mga laruan Ang lamang nun. (5 years old si Ally Dito)

Lumapit pa Ako at nakakita Ako ng batang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. At Isang matandang lalaki.

Ang Ganda ng hawak niyang manika.

Biglang napatingin sakin Yung batang babae at ngumiti.

Nginitian ko din siya.

"Ally anak oras na ng meryenda mo" tawag ni mommy sakin.

Nagbye bye Ako sa bata at pumasok na sa loob.

KINABUKASAN.

Naglalaro kami ni Kiko Dito sa playground ng bahay namin.

"Ano ka ba Kiko ayoko nyan e "

Sabi ko sakaniya dahil gusto niya ay maglaro ng bola.

"Eh ayoko Naman ng manika Ally" nakasimangot na tugon ni Kiko.

"Hahaha Ang Arte mo Naman e. Sige na nga maglaro na lang Tayo ng bola hihi"

Naglaro na kami ng bola ni kiko. Nagtatawanan kami ng biglang makarinig kami ng Isang malakas na iyak.

"Waaaaaa mommy don't leave me kuya please don't leave me"

Nagkatinginan kami ni Kiko at sinilip namin kung sino Ang naiyak.

Nakita ko Yung bata na Nakita ko kahapon.

Umiiyak siya habang nakatingin sa mama at lalaki na papalayo sakaniya.

Nalungkot Ako bigla.

Kawawa nama siya.

Agad akong lumingon Kay Kiko dahil sa naiisip Kong idea.

"Pst bata"

Hindi siya lumingon dahil umiiyak pa din siya.

"Pst bata"

Hinahanap niya kung sinong nagtawag sakaniya. Narinig ko sa likod ko Ang hagikgik ni Kiko.

Nilingon ko siya

-,-

"Pst bata"

At sa wakas Nakita Kong lumingon na siya samin.

Kinawayan ko siya at Maya Maya pa inaakit ko siyang lumapit samin.

Naguguluhan man pero lumapit siya samin.

"Gusto mong maglaro?"

Hindi siya sumagot at tumungo lang siya.

"Tara laro Tayo wag ka ng umiyak"

End of flashback.

Dun nagsimula Ang pagiging magkaibigan namin. Hindi ko nakilala si Kier Andrei noon dahil sa America Sila tumira ng mama niya. Dahil hiwalay na Ang parents nila. At bumalik lang ito Nung namatay si Kierra.

Dont fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon