Ally's POVPagkatapos kong yakapin silang lahat isa isa. Hinanap ng mata ko si Kiko.
Pero di ko siya makita.
Lumabas ako para doon siya hanapin pero wala siya sa garden pumunta na din ako sa likod bahay pero wala pa din siya.
Pumunta na din ako sa taas ng bahay at inisa isa ko ang bawat kwarto pero wala.
Bumaba nalang ulit ako. Hindi ko maiwasang maging malungkot.
Oo, nadismaya ako noong nalaman kong di si kier andrei ang taong yun.
Nalungkot pero bakit ganito yung nararamdaman ko?
Mas nalulungkot ako dahil hindi ko siya makita.
Nasaktan ko ba siya kaya siya umalis?
Eh bakit ko naman siya masasaktan?
Wala naman siyang gusto sakin.
" Ally anak kumain ka na kanina ka pa nag lalakad dyan ''
'' Ahm ma, nakita niyo po ba kung saan pumunta si Kiko? ''
" Hindi anak eh kumain ka muna nandyan lang yan si Kiko''
Umalis na si mama pero hindi ako sumunod pumunta ako sa labas doon sa sasakyan niya at di ako nabigo doon ko nakita si kiko.
Bigla akong napangiti ng makita kong nakatingin siya sa taas at seryosong seryoso habang nakatingin sa malayo.
Nilapitan ko siya. Hindi niya pa din ako napapansin dahil nakatingin pa din siya sa taas.
Ilang minuto kaming nakatingin sa taas ng bigla siyang magsalita ..
'' Anong ginagawa mo dito ''
'' Ahmm hinahanap kasi kita e '' Hindi ako makatingin sa kaniya kasi nahihiya ako.
'' Bakit mo naman ako hahanapin? ''
'' Nawala ka kasi sa loob kaya hina---
'' Hindi naman ako yung gusto mong makita di ba? ''
Hindi ako nakapag salita dahil tama naman siya.
'' Yung ex mo yung gusto mong makita, yung lalaking mahal mo di ba? '' Tumingin siya sakin pero nakangiti lang siya.
'' Hindi naman sa ganun nasanay lang ako na sa twing birthday ko siya ang nag susurprise sakin na nung iniwan niya ko noon birthday ko siya bumalik
tapo --'' Sinurprise ka niya? ''
'' Oo " Nakatungo lang ako ..
' Tapos akala mo babalik siya kasi may surprise? ''
Hindi nanaman ako nagsalita.
'' Pero hindi lahat ng ginawa niya sayo pwedeng siya ulit yung gumawa ally tingnan mo naman yung mga tao sa paligid mo, wag mo kasing ituon lahat ng atensyon
mo sa kaniya iniwan ka niya di ba? ''Hindi ako makapag salita nasasaktan ako sa lahat ng sinasabi niya.
'' Oo iniwan niya ko pero di mo na kailangang ipamuka sakin yun?! ''
'' Kaya ka umaasa na babalik siya kasi di mo pa din matanggap na may iba na siya. Kailangan mong tanggapin ally. Dahil hanggang hindi mo tinatanggap na iniwan
ka na niya at niloko ka niya patuloy ka pa ding aasa ''Nanlalabo na yung paningin ko pero di ako iiyak sa harap niya.
'' Matagal ko ng tinanggap kiko,matagal na. ''
Magkatitigan lang kami at di niya inaalis ang tingin niya sakin.
'' Pumasok ka na sa loob ''
Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na siya sumakay sa kotse niya at mabilis itong pinatakbo paalis.
Ano bang problema niya?
Bakit ganun siya mag salita?
Na parang nasasaktan siya?
Bumalik na lang ako sa loob.
Hindi ko alam pero ang bigat lang ng pakiramdam ko. Birthday ko pero bakit ang lungkot ko?
Hays dahil nanaman to sa bagong Kier sa buhay ko.
Ano ba kasing problema mo kiko sabihin mo para maunawaan ko.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...