Kiko's POV
Linggo ngayon at inayos ko na ang mga gamit ko para sa pag lipat ko sa apartment na malapit lang kay ally.
Kailangan kong malaman kong sino ang lalaking nakita ko bakit niya binabantayan si ally o napaparanoid lang ako?
'' Manang kayo na pong bahala sa bahay kapag po may kailangang bilhing materyales tawagan niyo lang po ako''
Isang kanto din ang layo ng tinitirhan ni ally. Kinuha ko ang susi ng motor ko at sinukbit ang bag sa likod ko.
May mga gamit na din ako sa apartment na titirhan ko pag kaalis ko kina ally ay inasikaso ko kaagad ang pag lilipat.Alam kong masyado na kayong naguguluhan kung sino ba ako at kung ano ang papel ko sa buhay ni ally.
Malalaman niyo din
Kababata ko siya at di niya maalala yun. Ang mahalaga ngayon ay ang mabantayan ko siya habang nandito ulit siya sa
laguna.Pagdating ko sa aparment ay umakyat ako agad nasa third floor pareho ang kwarto namin ni ally. May dalawang kwarto pa
sa baba pero ang sabi nung land lady ay may nagkuha na daw ng room na yun at di pang nalipat.Sinilip ko ang kwarto ni ally at sarado ito.
Nasan naman kaya ang babaeng yun ng ganitong kaaga?
Tiningnan ko yung orasan ko at 9am pa lang. Baka naman tulog pa?
Binuksan ko ang bagong bahay ko simula sa araw na ito.
Nagtratrabaho din ako malapit dito kundi isang engineer ng isang kompanya.
Inayos ko ang mga damit ko sa closet pati na din ang mga sapatos at iba ko pang gamit.
Sa tingin ko mag tatagal ako dito.
Napabuntong hininga ako hanggang kelan ba ako matatakot sa mga pwedeng mangyari kapag nandito si ally?
Inilabas ko ang isang maliit na kahon doon nag lalaman ang mga larawan na meron ako nung bata pa kami ni ally.
Nakita ko ang isang picture namin kumakain kami ng pancake at marsmallow habang nasa pool kami. Paborito naming
gawin ang bagay na yun. 9 years old kami nung panahon na ito.Pati yung mga picture namin nung bata pa kami.
Sa totoo lang mag bestfriend ang mommy ko at ang mama niya. Sabay silang kinasal pero mas naunang mag kaanak sina tita
kaya ang panganay nila ay si kuya alex at sumunod si ally pero matanda ako sa kaniya ng isang taon.Mahaba pa ang buhok ko noon at aaminin kong muka akong babae noon.
Nakita ko din yung picture namin nung 7th birthday ni ally. At may naalala akong isang nakakatawang bagay.
Flashback ...
7th birthday ngayon ni ally alam kong matutuwa siya sa regalo ko.
Tumakbo ako palabas ng bahay para makapunta na sa bahay nina ally. Mag kalapit lang kasi kami ng bahay at napakadami
ng bata ang nandoon.Hinanap ko si ally pero di ko siya makita kaya umakyat ako sa kwarto niya at nakita ko siyang umiiyak kasama ng yaya niya.
'' Abegail iha kailangan na nating bumaba inaantay na tayo ng mga bisita mo. ''
'' Ayoko nga hanggat wala ang wand ko huhuhu ''
Mas lalo pang lumakas ang iyak niya. Anong wand ba ang sinasabi niya?
'' Pero iha papagalitan ko ni sir alexander kapag hindi ka pa bumaba at nasisira ang ayos mo ''
'' Ayokoooooooooooooooooooo huhuhuhuhu ''
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...