Ally's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Anong oras na ba?
Kinuha ko ang cp ko at nakita kong pass 8 am na. Nilibot ko ang paningin ko at di ako pamilyar sa kwarto pero nasisiguro kung nasa bahay pa ako nina kiko.
Nilipat niya siguro ako kagabi dito. Dahil pag katapos kong marining ang sinabi niya naramdaman ko na binuhat niya ko.Bumangon na ako dahil tanghali na din baka sabihin nila ang tagal kong tulog hehehe. Inayos ko lang ang sarili ko at bumaba na ako pero walang tao?
Eh? Ang tahimik ng buong bahay? Nasan kaya ang mga tao dito?
Pumunta ako sa kusina pero walang tao. Sa likod bahay nila pero wala pa din. Lumabas din ako sa garden nila pero wala pa din. Kaya naisipan kung
umakyat sa taas baka naman natutulog pa sila?Una kong pinuntahan ang kwarto ni katelyn kinatok ko pero walang nasagot pinihit ko ang door knob at bukas pala ito.
''Katelyn? '' Walang sumagot. Nakita kong malinis ang buong kwarto pati na din ang kaniyang kama.
Sinubukan ko ding puntahan ang kwarto ni kiko pero katulad ng kay katelyn wala ding tao at malinis.
'' Nasan na ba kais sila? ''
Bumalik ako sa kwarto na tinulugan ko at kinuha ko ang phone ko nakita kong may text si mommy.
'' Anak may paper bag sa gilid ng kama mo mag ayos ka at antayin mo lang ang susundo sayo ''
Yan ang nabasa kung text. Hindi ko man maintindihan pero wala na akong magawa kundi sumunod.
Ano bang meron pinagtritripan ba nila ako?
After 20 minutes halos ng pag aayos lumabas ako ng bahay mayamaya pa may narinig akong busina ng kotse. Nakita ko si kiko na nakangiti sakin.
Lumapit ako sa kaniya para magtanong pero bago pa ako makasakay , binuhat niya ko at isinakay sa kotse niya dahilan para mapasigaw.'' Yaaa ano ba bakit mo ba ako binubuhat? ''
'' Ang tagal mo kasi tsk ''
Pag kababa niya sakin sa passenger seat ay pumasok na siya sa driver seat.
'' WTH? ANO BANG MERON? ''
'' Malalaman mo din '' ngumiti lang siya at pinaandar na ang kotse. Nakasuot lang ako na simple na dress tube at sandals na medyo may heels.
Nakaramdam ako ng kaba. Pero hindi yung kaba na matatakot ka, yung kaba na exciting?
After 15 minutes bumaba kami sa isang magandang bahay. Nakatingin lang ako sa bahay na yun. At di ko alam pero parang nakarating na ako dito?
Binuksan ni kiko ang passenger seat at inalalayan niya akong bumaba.
Hindi ko pa din inaalis ang paningin ko sa bahay na ito. Isa siyang 2 storey na bahay pero mahahalata mong mayaman ang nakatira dahil kahit
second floor lang siya malaki at malawak talaga. Sa unahan pa lang ng bahay ay puno na ng mga bulaklak at may swing din akong nakita.'' Lets go? '' nilingon ko si kiko at wala sa sariling tumango.
Habang papunta kami sa loob palakas ng palakas ang kaba ko. Hindi ako makapag salita , nakatingin lang ako sa bawat Bahagi ng bahay. Sa labas ng bahay ay may
isang napakagandnag garden may swing may isang maliit na kubo at pool area.Pumasok na kami at pag dating sa loob ay biglang dumilim ang paningin ko.
Naramdaman kong may nag lagay ng panyo sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Dont fall for me
Teen FictionShe's a girl who left behind. Iniwan siya bigla ng partner niya. For 6 years na mag kasama sila. Mahal na mahal nila ang isat isa pero isang araw makakatanggap na lang siya ng "im sorry" na note. Bakit? Bakit siya umalis? And theres a guy na kapang...