KABANATA 1

27.1K 1K 89
                                    

Kabanata 1.

Yesterday was my 20th birthday. Dahil isa akong prinsipe ay nagkaroon ng pagdiriwang sa aming kaharian. Ang mga imbitado lamang ay ang mga noble families at ang mga taong iyon ay ang malalapit lang sa aking ama.

It was a grand celebration and everyone was happy. Maliban lang siguro sa akin dahil wala akong naramdaman na kahit anong galak kahapon. Maging si ina ay masaya dahil bilang isang lalaki ay nasa legal age na ako. Niregaluhan din niya ako ng isang espada na gawa ng isang sikat na craftsman sa Capital City ng Verosian Empire. Siguradong ilang buwan niyang pinaghandaan ang regalo na iyon para sa akin dahil ang Capital City ng Verosian Empire ay malayo sa Razvan Kingdom.

Alam kong dapat maging masaya din ako ngunit pakiramdam ko ay may malaking puwang sa pagkatao ko at hindi ko maintindihan kung ano ba iyon.

Tinanong ako ni ama kahapon kung bakit mukhang mabagal yata ang pagtangkad ko. Doon ko lang naalala na hindi ako isang lalaki.

Kaya naman nang magising ako ngayong araw ay iyon agad ang pumasok sa aking isip. Nang bumangon ako ay sakto naman na may kumatok sa pinto.

"Come in," malalim ang boses kong pahayag.

Hindi iyon ang tunay kong boses. Araw-araw na may pinapainom sa akin si ina na parang isang candy. Ang bagay na iyon ay nakakatulong upang mapalalim ang boses ko ngunit sa isang araw lamang. Nawawala ng kusa ang bisa noon pagkatapos ng midnight kaya kailangan kong uminom non araw-araw.

Nakasanayan ko na sa pagbukas ng mata ko ay iyon agad ang kinukuha ko na nakalagay sa drawer ng aking side table.

Hindi ko rin hinuhubad ang aking artificial na mukha at buhok kapag natutulog. Inaalis ko lang ang mga ito kapag kailangan kong maligo.

Alam kong naghanap talaga si ina ng taong may abilidad na gumawa ng ganitong bagay na makatotohanan at matibay.

Napatingin naman ako kay Minsia. Matagal na siyang nagtatrabaho dito sa Razvan Castle. Siya rin ang aking personal na katulong at sa tuwing makikita niya ako ay pansin ko naman na namumula ang mukha niya at para bang nahihiya siya.

"Greetings, Prince Alecio!" magalang na bati nito sa akin at napansin ko naman na para bang hindi mapakali ang kaniyang mga kamay.

"Speak," seryosong saad ko naman dito.

"Naghihintay na po sa inyo si Queen Zanni sa dining room," saad nito gamit ang kaniyang maliit na boses.

Kung hindi ako sanay sa kaniya ay aakalain kong nahihiya siya ng sobra. Ganito siya lagi kaya naman hindi na iyon bago sa akin.

Alam ko din na may gusto siya sa akin at ilang beses na niya akong sinubukan na akitin. Wala siyang kaalam-alam na kahit ipakita niya pa sa akin ang buong katawan niya ay wala akong magiging reaction.

"Alright, you may go now."

Nang makalabas si Minsia ay nagtungo agad ako sa may bathroom. Nagtungo ako sa may sink at humarap sa malaking salamin.

This face looks like my father. Ang mukhang suot ko ngayon ay malayong-malayo sa mukha na meron ako. Bumuntong hininga ako bago ko hinubad ang aking artificial na mukha na may kasamang buhok. Masasabi kong makatotohanan talaga ang bagay na ito dahil sa oras na suotin ko ito ay para bang lumalapat ng kusa sa aking balat.

Nang mahubad ko ang bagay na nagtatago sa totoo kong mukha ay bumagsak naman ang mahaba at kulay pula kong buhok.

Napatitig ako sa aking repleksyon sa salamin.

This is me. The real me.

I have a long red hair, golden eyes and a feminine face. Hindi ko kamukha si ina at si ama. My mother used to call me a beauty and alluring everytime she sees my original face. Ngunit ngayon ay hindi na dahil naging abala ako sa aking pag-aaral nitong mga nakalipas na taon. Nawalan na rin kami ng oras para sa isa't isa noong lumaki ako. Kailangan ko din mag-aral ng mabuti para matutunan ang lahat ng bagay na dapat alam ng isang hari ng isang kingdom.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon