KABANATA 5

16.5K 1K 165
                                    

Kabanata 5.

"Kung hindi lang panlalaki ang boses mo ay baka naisip kong isa ka talagang babae" natatawang saad ni Ivar kaya naman tumahamik nalang ako.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla namang tumigil ang carriage na sinasakyan namin. Dahil sa biglaang pagtigil ay napaangat ako sa aking kinauupuan.

"Got you" nakangising saad sa akin ni Ivar dahil nawalan ako ng balanse at hindi ko naman namalayan na nakaupo na ako sa hita ni Ivar.

Bumigat ang aking paghinga at bumilis ang tibok ng puso ko nang marealize ko ang pwesto ko ngayon.

"I-I'm sorry" mabilis kong saad bago ako umayos ng upo sa katapat na upuan niya.

Hindi naman ako pinansin ni Ivar at lumabas lang ito ng carriage na para bang wala lang para sa kaniya ang nangyari na iyon.

Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Mukhang ako lang ata ang kinabahan sa aming dalawa. Kung hindi lang ako nakasuot ng artificial na mukha ngayon ay baka halata na ang pamumula ng mukha ko.

I've never experienced something like that before.

Nang kumalma ako ay lumabas rin ako ng carriage upang tingnan kung ano ba ang nangyayari at bakit bigla kaming tumigil.

"There's really a lot of bandits everywhere" rinig kong saad ni Orison na nakatayo na ngayon sa aking tabi.

"Hindi namin kayo sasaktan, ibigay niyo lang sa amin ang mga ari-arian na dala niyo at papalampasin namin kayo" saad ng isang mataba at malaking lalaki na mukhang leader ng mga bandits.

"Sa inyo ba itong daan?" Tanong naman ni Ivar sa mga ito.

Ngumisi naman ang matabang leader ng mga bandits.

"Ganon na nga, sa amin ang daan na ito at hindi kayo makakalampas kapag hindi kami pumayag"

"This mother fucker wants to die today" natatawang saad ni Ivar at matapang na nakatayo sa harap ng mataba at malaking lalaki na iyon.

"Warner, kill them all" seryosong saad ni Ivar bago ito naglakad papalayo sa leader ng grupo ng mga bandits at tumabi sa akin.

"You see, Warner is a brutal guy" saad sa akin ni Ivar ng makalapit ito sa akin.

Pinanood ko naman si Warner na nakikipaglaban sa mga bandits ng walang kahirap-hirap. Sa unang tingin palang ay mapapansin mo na agad na sanay na sanay na ito sa paggamit ng espada.

Napasigaw ang isa sa mga bandits ng maputol ang braso nito. Ang ilan naman ay naputol ang binti at karamihan sa kanila ay napugutan ng ulo.

Katulad ng sinabi ni Ivar ay brutal nga talaga si Warner at para bang sanay talaga siya sa ganong bagay.

Nang mapatay ni Warner ang matabang leader ng mga bandits ay pumalakpak bigla ang katabi kong si Ivar na para bang nanood ito ng isang magandang play.

"You never failed to entertain me"  natatawang saad naman ni Ivar.

Napakagat naman ako sa aking labi dahil sa tingin ko ay masyado silang naging brutal.

"Prince, are you okay?" Tanong naman sa akin ni Harcus.

"Don't worry about my brother. As long as I'm here with him, there's nothing to worry about" saad naman ni Ivar nang marinig niya ang tanong sa akin ni Harcus.

Inakbayan naman ako bigla ni Ivar kaya naman natigilan ako. This is normal pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa tuwing napapalapit ako sa isang lalaki.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon