KABANATA 9

15.4K 848 62
                                    

Kabanata 9. 

ATRALIA'S POINT OF VIEW

Sa tingin ko ay wala sa bokabolaryo ni Ivar ang salitang pagod. Kanina pa kami naglilibot. Tumigil lang kami kanina dahil kailangan namin kumain. Mukha rin naman na walang balak si Ivar na kumausap ng mga tao o kung ano man.

Para lang kaming namamasyal na dalawa. Hindi na ako sigurado kung talaga bang may balak si Ivar na maghanap ng bagong recruit o gusto lang talaga niyang mamasyal at libutin ang buong Katrala Kingdom.

"Prince, huwag kang sumimangot. Alam kong pagod kana pero ang isang lalaki ay dapat may malakas na pangangatawan at stamina" nakangising saad nito sa akin.

Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Maupo muna tayo" pangungulit ko kay Ivar.

Tinawanan naman ako nito.

"Minsan talaga parang may kasama akong bata" nakangising usal nito sa akin.

Nang makarating kami sa isang park na may duyan ay tsaka lamang ako pinapaupo ni Ivar.

"No" mariin kong saad kay Ivar nang sabihan niya ako na maupo sa duyan.

Tinaboy pa nito ang dalawang bata na nakaupo sa duyan kanina. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kaniyang utak. Siya ang parang bata sa aming dalawa.

"Itutulak kita. Malakas ang kutob ko na hindi ka pa nakakaranas na maupo sa duyan" nakangising saad nito sa akin.

Bumuntong-hininga naman ako dahil tama siya. Bilang isang prinsipe ay madami rin akong limitasyon lalo na kapag bata pa lamang.

Kung wala siguro si Harcus ay wala rin akong kaibigan.

Naupo naman ako sa duyan at tumayo naman si Ivar sa aking likod para itulak ako.

"I don't have a little brother before but I have you now" saad sa akin ni Ivar.

Napakamit naman ako sa gilid ng duyan dahil malakas akong itinulak ni Ivar na para bang gusto niya akong mahulog.

Narinig ko naman ang malakas na tawa niya sa aking likuran.

"Hold tight" pahayag pa nito at muli akong malakas na itinulak ng makabalik ang pwesto ko papalapit sa kaniya.

"This is not fun" saad ko kay Ivar.

Hinawakan naman ni Ivar ang dalawang string ng duyan kaya tumigil iyon sa paggalaw.

Napangisi naman ako.

Nang tumayo ako ay tumingin ako kay Ivar.

"It's your turn" nakangising saad ko kay Ivar.

Nginitian naman ako  nito bago tumango. Nang maupo  ito ay pumwesto naman ako sa kaniyang likod para itulak siya.

"Make me fly" natatawang saad nito sa akin kaya naman napatingin ako sa ulo niya.

Nagulat naman ako ng biglang tumingala si Ivar at dahil nakayuko ako ay agad nagtama ang aming paningin.

Wala sa sariling napigil ko naman ang aking paghinga at bumilis ang tibok ng puso. Malakas iyon na kumabog kaya naman napaatras ako sa takot na baka marinig ni Ivar ang naging reaction ng puso ko.

Hindi naman nagsalita si Ivar. Nang humakbang ako palayo ay ibinalik nito ang kaniyang tingin sa harapan na para bang walang nangyari. Duda ko na ako lamang ang naapektuhan sa aming dalawa.

"Aren't you going to push me, little brother?" Tanong nito sa akin kaya naman natauhan ako.

Malakas kong itinulak si Ivar at mukha itong bata na tuwang-tuwa sa pagduyan. He's really carefree. Para bang wala talaga siyang pinoproblema sa buhay.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon