KABANATA 35

15.3K 804 329
                                    

Kabanata 35.  

ATRALIA'S POINT OF VIEW   

Nang sumapit ang gabi ay nilinisan ko si Elock ng katawan at binihisan ito ng pantulog. Nasa isang tabi lang si Ivar at pinapanood ako.

"Sleep well, Elock" saad ko kay Elock at hinalikan ito sa noo.

"Sleep well, Empress"  nakangiti niyang saad sa akin. Natawa naman ako dahil hindi talaga niya binabago ang pagtawag sa akin.

Inayos ko ang kumot sa katawan niya bago ako tumayo. Malaki ang sofa kaya naman parang kama na rin ito sa maliit na si Elock.

Ilang beses kong kinumbinsi si Ivar na patabihin sa amin sj Elock ngunit hindi siya pumayag. Sinabi pa niya sa akin na kapag nagpumilit ako na patabihin namin si Elock sa amin ay itatapon niya ito sa gitna ng dagat kaya wala akong nagawa.

Iyon lang din ang bagay na nagpumilit itong hindi pumayag kaya sumang-ayon na lamang ako sa gusto niya.

Nang makita kong nakapikit na si Elock ay naglakad na  ako pataas sa aming bedroom ni Ivar.

"Bakit ako hindi mo nililinisan at pinapaliguan?" Nakasimangot na tanong sa akin ni Ivar kaya natawa ako.

"You're a grown up man" sagot ko sa kaniya.

"Am I not your baby?" Nakasimangot na tanong ni Ivar kaya mas lalo akong natawa.

"Stop pouting" nakangiting saad ko sa kaniya.

Nang makarating kami sa bedroom ay agad akong hinalikan ni Ivar. Napapikit ako at pinulupot ko sa kaniyang batok ang aking braso. Binuhat naman ako ni Ivar at ibinaba sa kama.

"Aivaro, you still have something to tell me" saad ko sa kaniya.

Umayos ako ng upo sa kama. Nakita ko naman si Ivar na naglakad patungo sa harap ng salamin at kumuha ng suklay.

"Let me comb your hair" nakangiting saad sa akin ni Ivar kaya naman tumaas ang sulok ng labi ko.

"Okay, come here" saad ko kay Ivar. Naupo ako sa gitna ng kama at naupo naman si Ivar sa aking likuran.

"What do you want to know?" Tanong ni Ivar sa akin kaya napangisi ako.

"Everything about your second life. When you turned four again, what happened next?" Tanong ko sa kaniya.

Naramdaman kong inayos ni Ivar ang aking buhok sa likod bago ito sinuklayan.

"Okay, back then I already knew what's going to happen in the future. I didn't care about the emperor anymore or being an emperor. I already experienced being one so I don't want to bother myself anymore.

Para sa isang apat na taong gulang na bata, hindi ako normal dahil matanda na akong mag-isip. Alam ko na ang mga bagay-bagay na hindi pa dapat alam ng isang bata.

I went to the ocean to meet Sky again. That's the first thing I did. Niligtas ko siya pero hindi niya na ako kailangan iligtas pa. Katulad noong una namin pinagdaanan naging magkaibigan kami at nakilala namin muli si Orison at Warner.

Buo ang loob ko na mamuhay ng normal. Napagdesisyunan kong ibahin ang hinaharap ngunit hindi ko nagawa dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagpatay ng mga taong nangugulo sa buhay ko.

I became a tyrant prince. I was infamous for being ruthless and merciless. Hindi iyon nagustuhan ng emperor kaya naisip kong ipagpatuloy nalang iyon para inisin siya. Tutal wala naman patutunguhan ang buhay ko.

Alam kong isang araw ay ako ang mauupo sa trono. Wala na akong pake sa iniisip ng ibang tao. Maging ang tatlo ay nilayuan ako dahil sa aking ugali. Akala nila ay wala na akong pag-asang magbago. Hindi naman sila mali ng akala.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon