KABANATA 10

15.2K 777 78
                                    

Kabanata 10. 

ATRALIA'S POINT OF VIEW

Lumipas ang tatlong linggo. Sa tatlong linggo na iyon ay lagi ko lang kasama si Caria at minsan naman ay kasama kong naglilibot si Harcus o hindi kaya ay si Ivar.

"Mamimiss kita" nakasimangot sa aking saad ni Caria.

Nasa loob ako ng kaniyang botique at sinabi ko sa kaniya na aalis na kami bukas ng Katrala Kingdom at ang sunod naman na pupuntahan namin ay ang Lereem Kingdom na malayo sa kaharian na ito.

Kung hindi ako nagkakamali ay kailangan namin maglakbay ng kalahating buwan para lamang makarating sa Lereem Kingdom.

"Kung pwede lang akong sumama sayo" nakasimangot pa nitong usal.

Natawa naman ako.

"Kapag natapos na ang trabaho ko sa third prince ay babalik ako sa Razvan Kingdom. Dadaanan kita dito kapag pabalik na ako sa amin" nakangiting saad ko kay Caria.

"Tsk. Bakit kasi hindi ka nalang magstay dito?" Singhal nito sa akin.

"Hindi pwede at isa pa, hindi naman ako dito nakatira" pahayag ko kay Caria.

Inirapan naman ako nito.

"Sa susunod na magkita tayo, mamasyal tayong dalawa at dapat babae ka kapag namasyal tayo. Lagi kang napagkakamalan na boyfriend ko. Paano kapag hindi ako nakapag-asawa dahil sayo?" Pahayag pa nito.

"It's not my fault. Hindi ko naman sinabi sayo na lumingkis ka sa braso ko kapag nasa labas tayo. Akala rin tuloy ni Ivar ay girlfriend talaga kita" saad ko naman sa akin.

Hindi naman nagsalita si Caria at pinanliitan pa ako ng mata na para bang naghihinala siya sa akin.

"Al, sabihin mo nga sa akin. May gusto ka ba sa lalaking yon?" Seryosong tanong nito sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko at mabilis akong umiling.

"Hindi, bakit ko naman magugustuhan si Ivar. Malabo iyon lalo na dahil alam kong nakababatang kapatid na lalaki ang turing niya sa akin" paliwanag ko kay Caria.

Napahawak naman siya sa kaniyang baba at tinitigan ako ng mariin.

"Talaga? Bakit parang iba ang sinasabi ng mga mata mo" nakangising saad nito sa akin.

"Kailan pa nagsalita ang mata ko?" Inis kong saad kay Caria.

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Hindi literal" singhal nito sa akin.

"Pero diba matagal mo ng kilala si Harcus, sigurado kang hindi niya alam na hindi ka babae?" Tanong naman nito sa akin.

"I'm sure. Kami lamang dalawa ni ina ang nakakaalam sa Razvan Kingdom na babae ako. Wala rin akong balak ipaalam sa kaniya" sagot ko kay Caria.

"Pero sigurado ka talaga na wala kang gusto kay Ivar?" Tanong muli nito sa akin. Napairap naman ako.

"Wala sa isip ko ang mga ganong bagay. Alam ko sa sarili ko na ako lang ang mahihirapan kapag nagkagusto ako sa isang lalaki" saad ko kay Caria.

"Kapag pinilit ka talaga ni King Razvan na mag-asawa ng babae ay willing akong magvolunteer. Best friend naman tayo kaya ayos lang sakin kahit ikaw ang makasama ko hanggang sa pagtanda" nakangising saad sa akin ni Caria.

Napangiti naman ako.

"Parang kanina lang ay iniisip mo pa na baka hindi ka makapag-asawa dahil sa akin" pagbibiro ko sa kaniya.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon