KABANATA 23

15.7K 814 66
                                    

Kabanata 23.

ATRALIA'S POINT OF VIEW

Matapos namin mag-usap ni Ivar ay bumalik na kami sa tent. Hindi na rin kami natulog dahil maliwanag na. Nang magising si Harcus ay tinawag ko ito para kausapin.

"Harcus, kapag nakarating tayo sa Capital City ng Verosian Empire ay maghanap ka ng taong may abilidad ng teleportation or spatial ability" seryoso kong saad sa kaniya.

Nakita ko naman na nagsalubong ang kilay ni Harcus.

"Babalik na ba tayo sa Razvan Kingdom, Prince Alecio?" Tanong nito sa akin.

"No, ikaw lang ang babalik Harcus. I want you to go back in Razvan Kingdom. Guard my mother hanggang sa makabalik ako"

"But Prince Alecio, sinong magpoprotekta sayo kung wala ako?" Nag-aalalang tanong ni Harcus sa akin.

"Harcus, nakalimutan mo na ba kung sinong mas malakas sa ating dalawa?" Tanong ko sa kaniya.

Natahimik namam si Harcus bago tumango.

"I'll do as you command" magalang nitong pahayag sa akin.

Ilang araw lang aming nilakbay bago kami nakarating sa Capital City ng Verosian Empire. Everything in here looks magnificent and eye-catching. Dahil alam kong ang Capital City ng Verosian Empire ay puno ng mga nobles.

Normal lang din para sa akin na mamangha dahil lumaki ako sa countryside.

"Saan tayo tutuloy?" Tanong ko kay Ivar ng makababa kami sa Capital City.

"Wait here. Kakausapin ko lang sina Orison" pahayag ni Ivar sa akin.

Nang makaalis si Ivar ay lumapit ako kay Harcus.

"Take care Harcus. Make sure to tell mother that I am fine and healthy" nakangiti kong saad.

"I understand, Prince Alecio. Please, take care yourself as well and avoid danger" pahayag naman nito sa akin.

Matapos magpaalam sa akin ni Harcus ay nagpaalam na rin siya kina Orison, Warner at Sky.

"Alam ni Ivar na alam kong babae ka. Sinabi niya din sa akin ang balak niyong dalawa"

Napatingin ako kay Sky ng magsalita ito sa aking tabi.

"He warned me that he'll cut my hands if he ever see me touch you" natatawang saad ni Sky sa akin.

"Hindi niya alam na kamag-anak kita" sagot ko sa kaniya.

"But are you sure with your decision?" Tanong naman sa akin ni Sky.

Tumango ako.

"Yes, I've already made up my mind. Alam din ba nina Warner ang plano ni Ivar?"

"No, ako lang ang sinabihan niya dahil alam niyang alam ko na babae ka. Pinapabalik na kaming tatlo ni Ivar sa Verosian Castle"

"Pwede ba kayong tumuloy sa Verosian Castle kahit hindi niyo kasama ang third prince?" Tanong ko kay Sky.

"Yes, I am a knight. Ganon din naman si Warner at Orison. Kapag bumalik na kaming tatlo sa Verosian Castle ay malalaman din nila na nakabalik na ang third prince. Hindi sila maghihinala na wala talaga sa Verosian Castle ang third prince" paliwanag sa akin ni Sky.

"So, gusto ni Ivar na akalain ng emperor na nakabalik na siya para hindi na siya hanapin pa nito?" Saad ko naman.

"Ganon na nga dahil hindi gugustuhin ni Ivar na may umepal sa kaniyang plano" pahayag sa akin ni Sky.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon