KABANATA 17

15.1K 817 350
                                    

Kabanata 17.

Nang magising ako kinaumagahan ay napansin kong wala si Ivar sa tabi ko. Hindi ko alam kung natulog ba siya sa tabi ko kagabi o kung hindi na ba siya bumalik noong nagwalk-out ito.

I find it funny and cute.

Ang lakas niya mang-asar pero ganon pala ang magiging reaction niya kapag nakahalik siya ng lalaki. Hindi ko sigurado kung nandiri ba ito o ano, dahil bago ko pa man makita ang reaction niya ay nakalabas na ito.

Bumangon ako at lumabas ng tent. Hinanap ng mga mata ko si Ivar at napansin kong tahimik lang ito sa isang tabi.

Naglapat lang naman ang labi namin ngunit parang ang laki ng nagawang epekto non kay Ivar.

"Greetings, Prince Alecio" magalang na bati sa akin ni Harcus.

"Greetings. Are we going to depart now?" Tanong ko dito ng mapansin kong abala na sa pag-aayos sina Sky at Orison ng mga tent.

"Yes, Prince. Para sakto tayong makarating sa Lereem Kingdom mamayang gabi" saad ni Warner sa akin.

"Prince, kain kana ng almusal" pahayag naman ni Harcus.

Tumango ako sa mga ito.

Nang matapos ako sa pagkain ay nilapitan ko ang tahimik na si Ivar.

"Did you sleep well last night?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

Nang magtama ang mata namin ni Ivar ay hindi ko mapigilan na hindi matawa. Seryoso lang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Ngunit natigilan ako dahil napansin kong namumula ang dalawang tenga ni Ivar. Nang mag-iwas si Ivar ng tingin sa akin ay napakurap ako ng ilang beses.

Is he blushing? Is it because of what happened earlier?  Why? It's just a smack.

Pakiramdam ko tuloy ay nakatingin ako sa inosenteng Ivar. He's not the usual Ivar that I know.

"No, thanks to you" nakasimangot nitong saad sa akin na para bang kasalanan ko talaga ang nangyari kagabi.

"It's your fault for teasing me" mahinang saad ko para si Ivar lang ang makarinig dahil pakiramdam ko ay parehas kaming mapapahiya ni Ivar kapag may nakarinig sa usapan namin.

"I can't believe this but maybe I am really gay" seryosong saad ni Ivar gamit ang kaniyang malalim na boses kaya naman malakas akong napatawa.

Is this a joke? What the hell is he saying?

Natahimik ako nang tingnan kami nina Orison. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya dahil para sa akin ay lahat ng mga sinasabi niya ay isa lamang malaking biro.

"Your lips didn't felt unpleasant. I already kissed a girl before, many times. They taste awful and disgusting" paliwanag nito sa akin.

Nawala naman ang ngisi sa labi ko dahil sa sinabi ni Ivar.

What? He already kissed someone before?

Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nainis. Honestly, if what happened last night was considered a kiss then technically speaking, he's my first kiss.

"Maybe it's just because you don't like them" sagot ko sa kaniya.

"Are saying I like you?" Baling sa akin ni Ivar.

"No, it's not even a kiss. Why are you reacting like this?" mahina kong bulong kay Ivar.

"Because I felt something when our lips touched. It's a strange feeling, not in a bad way" paliwanag nito sa akin.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon