KABANATA 3

18.6K 878 125
                                    

Kabanata 3.

"Pero Prince Alecio, bakit niyo po natanong ang bagay na iyon?" tanong sa akin ni Harcus.

"Gusto ko lang malaman," sagot ko naman dito.

Naglakad kami ni Harcus patungo sa office ni ama dahil kailangan kong ireport sa kaniya ang nangyari at bukod don ay kailangan ko siyang puntahan kapag nakabalik na ako sa castle.

Hindi pa man kami nakakalapit sa tapat ng pinto ng office ni ama ay nagsalubong na ang kilay ko dahil sa sigawan na aking narinig. Mukhang nag-aaway na naman si ina at ama.

"I told you not to come here! How many times do I have to tell you not to go near me!" rinig kong sigaw ni ama.

Binilisan ko ang aking paglalakad nang marinig ko iyon.

"How can you be this cruel to me? We are married and I am your wife. Can't I look for my husband if I miss him? Don't you want to see me too? We are living in this huge castle and it's hard for me to see even a glimpse of you."

Nang makarating ako ay naabutan kong bukas ang pinto ng office ni ama. Nakita kong nakalupagi naman si ina sa sahig at umiiyak.

Huminga ako ng malalim at itinago ko ang sakit na nararamdaman ko para sa aking ina. She's fragile. I don't want to see her like this.

Kung pwede nga lang na kontrolin ko si ina ay ginawa ko na para hindi ko siya makita na nahihirapan ng ganito.

"Mother, please get up."

Mabilis akong lumapit kay ina at inalalayan ko itong tumayo.

"Leave and don't ever come here again. I'm afraid of what you can do," malamig na saad ni ama kay ina.

"No, how long are you going to torment me like this? I told you the truth but how can you think that I am just controlling you? Look at me. Is this what controlling looks like? I can't even embrace you," seryosong saad ni ina at mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko itong umiiyak.

"You are just a greedy woman. I know you already did controlled me that's why I fell for you. You wanted to be a queen so bad. Let's stop this. We are already old and don't seek for my affection and love anymore," malamig na saad ni ama.

"Alecio, escort your mother to her bedchamber."

Bumaling si akin si ama.

"I understand, Father."

"Mother, let's go. Father is busy," nag-aalalang pahayag ko sa aking ina.

"And one more thing Zanni, don't you ever think of controlling our son or else you'll leave me no choice but to kill you," saad pa ni ama kay ina bago kami makalabas.

Malungkot na tiningnan ni ina si ama bago ito naglakad palabas. Inalalayan ko na maglakad si ina dahil baka matumba siya. Mukha pa naman siyang bibigay sa ano mang oras.

"Don't be cruel like your father. If you ever met someone you love, love them with all your heart and treat them properly," seryosong saad sa akin ni ina.

Ngumiti naman ako.

"I'll take that in mind, Mother." 

Pero wala akong balak na magmahal ng ibang tao dahil noon pa man ay napagdesisyunan ko na ibuhos ang lahat ng pagmamahal ko sa aking ina dahil alam kong kailangan niya iyon. Pinagkaitan siya ni ama ng pagmamahal kaya naman gusto kong ibigay kay ina ang pagmamahal na meron ako.

She's my precious mother. Sa tuwing malungkot siya ay nasasaktan ako.

"But I don't blame your father. He's wrong about his beliefs but he's a kind and a good father. Don't hate him, Alecio." Mahina akong nginitian ni ina.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon