KABANATA 29

15.7K 819 34
                                    

Kabanata 29.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Halos pumutok ang ugat sa ulo ni Lyzton habang nilalabanan niya ang matinding pwersa na nagtutulak sa kaniya na lumuhod ngunit hindi siya nagwagi.

Nakatiim bagang siya habang pinanood si Aivaro na naglalakad kasama ang babaeng ilang linggo na niyang  pinagpapantasyahan.

Akala niya ay hindi totoo ang babaeng laman ng dyaryo araw-araw ngunit nagkamali siya at ang kinagagalit niya ay mukhang naunahan pa siya ng bastardong anak ng emperor.

Maliban pa don, may anak sila. Hindi makapaniwala si Lyzton sa lahat ng bagay na nalaman  niya ngayon. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa matinding kahihiyan at galit.

Kahihiyan dahil kahit ayaw niyang lumuhod ay wala siyang magawa at galit para kay Aivaro dahil inagaw nito sa kaniya ang babaeng mahal niya.

Sa oras na makatayo siya ay sisiguraduhin niya na babalik agad siya sa Verosian Castle para ibalita sa kaniyang ama'ng emperor ang lahat ng nalaman niya tungkol kay Aivaro.

Mukhang niloloko sila nito dahil impossibleng nasa Verosian Castle si Aivaro lalo na dahil may pamilya na ito. Sisiguraduhin niya na isisiwalat niya sa kaniyang ama ngayong araw ang mga sekretong tinatago ni Aivaro lalo na ang tungkol sa abilidad  ito.

Mukhang sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Aivaro ang nakama ng abilidad ng emperor. Alam rin ni Lyzton na ayaw ng kaniyang ama kay Aivaro.

Sa oras na isiwalat niya ang lahat ay nakakasigurado si Lyzton na ipapapatay na ng emperor ang third prince ng Verosian.

Sa kabilang banda ay nakatulala lang sa kawalan ang nakaluhod na si Princess Iryenna. Katulad ni Lyzton ay para rin siyang binubusan ng malamig na tubig lalo na noong nalaman niya na may pamilya na ang lalaking dapat ay papakasalanan niya.

Ngunit wala siyang balak na sumuko. Siya ang nag-iisang prinsesa ng Zavabian Kingdom at nakasuporta sa kaniya ang emperor ng Verosian Empire kaya sigurado siya na walang magagawa ang third prince kundi ang sundin ang gusto ng kaniyang ama.

Naalala naman ni Princess Iryenna ang mukha ng babaeng kasama ng third prince.

Indeed. She's ethereal. Nagulat siya at natigilan noong makita niya ang mukha ng babaeng kasama ni Prince Aivaro. Hindi niya kahit kailanman inaasahan na may ganon kagandang babae.

Ang buong paniniwala niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo at nagsikap talaga siya na magpanggap na mabait para magustuhan siya ng bawat tao ngunit ang babaeng iyon ay mukhang walang pake kahit anong isipin ng bawat tao sa kaniya.

Base sa mga mata ng babaeng iyon ay mukhang hindi rin siya basta-basta at hindi iyon gusto ni Princess Iryenna.

She wants that kind of beauty. Papatay siya para lang mapunta sa kaniya ang mukhang iyon.

Nang makabalik siya sa Zavabian Kingdom na malapit lang sa Capital City ng Verosian Empire ay agad siyang nagtungo sa office ng kaniyang ama.

"Father, I need you to kidnap someone for me" nakasimangot na saad ni Princess Iryenna sa kaniyang ama.

"Who made my baby princess sad?" Nag-aalala namang tanong ni King Zavabian sa kaniyang anak.

"There this girl who insulted me today. I want to rip off her face. Can you send someone to locate and kinap her?" Nakasimangot na paliwanag ni Princess Iryenna sa kaniyang ama.

"Okay, that's not a problem. Just draw her face and I'll send someone to kidnap her" nakangiting saad ni King Zavabian.

"You're the best father ever" masaya naman na usal ni Princess Iryenna.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon