KABANATA 19

15.1K 931 124
                                    

Kabanata 19.

Kinabukasan ay nagising ako ng madaling araw dahil sa matinding katok sa pinto ng room ko. Tumayo ako at inaantok na naglakad patungo sa pinto upang buksan iyon.

Nang mabuksan ko ang pinto ay tsaka ko lamang narealize na hindi pa ako nakakainom ng gamot na nagpapabago sa boses ko kaya naman agad akong kinabahan.

Nawala lang ang aking kaba ng makita ko si Sky. Nakahinga ako ng maluwag.

"Cousin"

"Wait here. Iinom lang ako ng gamot dahil baka may ibang sumulpot" saad ko kay Sky.

Hindi ko na siya pinapasok dahil alam kong hindi siya papasok. Alam niyang babae ako kaya normal lang iyon sa kaniya.

"Iyon ba yung nakakapagpabago sa boses mo?" Tanong sa akin ni Sky. Tumango ako bilang sagot.

"Huwag ka muna uminom. Actually, I am here to invite you. Let's stroll outside. Let's go out as brother and sister" nakangiting saad sa akin ni Sky.

Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin kahapon bago sumulpot si Ivar. Napangiti ako nang maalala ko iyon.

"But, I don't have a dress" nakangiwing pahayag ko.

"Don't worry. Let's buy a dress for you later"

Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi ko naman sinuot ang pekeng mukha ko at tinago ko nalang iyon. Nang makaalis kami ni Sky sa may inn ay napansin kong wala pang bukas na mga botique ng dress dahil napakaaga pa.

"Is there something going on between you and Ivar?" Tanong bigla sa akin ni Sky nang mapagpasyahan namin na maupo sa may bench sa plaza. Wala masyadong tao at nakatitig lang ako sa may fountain sa hindi kalayuan.

"Bakit mo natanong?"

"Napansin ko lang na mukhang lagi ka niyang gustong kasama. Alam ba ni Ivar na babae ka talaga?"

Umiling ako sa tanong ni Sky.

"Sa inyong lima, ikaw lang ang nakakaalam. Maging si Harcus ay hindi alam ang bagay na iyon" sagot ko sa kaniya.

"Wala ka naman gusto kay Ivar?" Tanong bigla sa akin ni Sky kaya naman natigilan ako.

Ilang beses akong napakurap at ramdam ko ang namumulang mukha ko.

"You like him" pahayag ni Sky at hindi na nito hinintay ang isasagot ko.

Napahawak naman ako sa aking pisnge at ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong suot na pekeng mukha.

"Nagulat lang ako sa tanong mo. Wala akong gusto kay Ivar" tugon ko sa tanong niya kanina.

"As an older brother, I want to warn you. Don't put your faith in him" seryosong saad sa akin ni Sky.

"Don't worry, I really don't like him as a man. Maybe as a friend"

Tumingin sa akin si Sky ng seryoso.

"Don't lie to yourself. If you admit your feelings early, you can easily let it go" seryosong pahayag ni Sky.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil parang natamaan ako sa sinabi niya. Pero para sa akin ay hindi ko naman talaga gusto si Ivar. I don't want to admit it because I really don't like Ivar.

Nang dumami na ang tao sa paligid ay napagdesisyunan na namin ni Sky na pumunta sa pinakamalapit na botique ng dress.

Nang makapagpalit ako ng dress ay tsaka ko lang narealize na hindi ako si Alecio ngayon.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon