KABANATA 11

15.1K 763 12
                                    

Kabanata 11. 

Nang sumapit ang gabi ay napagpasyahan namin na magtayo na ng tent. Kalahating buwan kaming maglalakbay bago kami makarating sa Lereem Kingdom kaya naman nakahanda kami na matulog kahit pa sa gitna ng kagubatan.

"Prince Alecio, ako na po ang bahala sa ating tent" saad sa akin ni Harcus.

Dahil tatlo lamang ang aming dalang tent ay kailangan namin maghating anim. Ang kasama kong matutulog ay si Harcus.

Pabor din yon sa akin dahil kahit matagal na kaming magkakakilala ay mas komportable pa rin ako kapag si Harcus ang kasama ko.

Sa kanilang lima ay ang pinakaayaw kong makatabi sa pagtuloy ay si Ivar dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng maayos pag alam kong katabi ko siya. Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon ay hindi na mapakali ang puso ko dahil siguro sa kaba.

Kaya naman mas mabuti talaga na si Harcus ang makatabi ko. Tutal matagal na rin kaming magkaibigan na dalawa at alam kong tuwid at hindi malikot matulog si Harcus. Nakakatulog nga siya ng nakatayo kaya at nakaupo kaya naman sigurado ako na hindi siya malikot sa pagtulog.

"Tulungan na kita" saad ko sa kaniya dahil kahit isa pa akong prinsipe ay wala naman ako sa Razvan Kingdom ngayon. Naglalakbay din kami ngayon bilang mga comrades at dapat pantay pantay lang kami dito.

Nang matapos na naming maitayo ang tent ay naglatag lang kami ng banig sa sahig upang hindi kami mismo sa lupa mahiga.

"Mukhang kailangan natin manghunting ng rabbit o baboy ramo dahil ito na ang huling pagkain natin" saad naman ni Warner habang may bitbit ng dalawang patay na manok.

Abala naman si Sky sa paggawa ng apoy upang maihaw ang manok.

"Madali na iyon" saad naman ni Orison sa kaniya at hindi ito nag-aalala na wala na kaming natitirang pagkain.

"Mabuti nalang din talaga at maganda ang panahon ngayon dahil siguradong mahihirapan na naman  tayong maglakbay kapag maulan" usal pa ni Orison.

Naupo naman ako sa may malaking bato sa gilid at tahimik lang na nakinig sa kanilang pag-uusap.

"Siguradong kawawa tayo pag umulan. Bago tayo nakarating sa Razvan Kingdom noon ay ilang beses nadulas ang kabayo ko" pagkukwento naman ni Warner habang natatawa.

"Ang bulok mo kasing magpatakbo. Dadaan kana nga lang ay duon pa sa maputik at madulas" saad naman ni Ivar na kalalabas lang ng kanilang tent.

Agad naman niyang naagaw ang atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit kapag nasa paligid siya ay agad  napupunta sa kaniya ang paningin ko na para bang pangmamay-ari niya ito.

"Prince, ikaw naman ang magluto ng ating pagkain ngayon" nakangising pahayag nito sa akin ng magtama ang aming paningin.

"Sige" maikling sagot ko naman dahil marunong naman akong magluto ng roasted chicken.

Nalinis na naman ni Warner ang manok kaya kailangan nalang iyon itusok sa matibay na stick.

"Ako na ang bahala, Prince Alecio" mabilis naman na saad ni Harcus.

"Harcus, binigay mo na ba ang oath mo bilang knight kay Prince Alecio? Sa tingin ko ay napakaloyal mong knight. Kung hindi mo pa nabibigay ang oath mo kahit kanino ay sa 3rd prince mo nalang ito ibigay. Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong ni Ivar kay Harcus.

Natawa naman ako.

"Ivar, bakit parang concern na concern ka sa 3rd prince?" Tanong ko dito.

Bumaling naman ng tingin si Ivar sa akin.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon