KABANATA 34

15.1K 740 15
                                    

Kabanata 34.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW 

"Father, I thought you already sent someone to kidnap that bitch. Why is she still not here? I am excited to rip her face off" pahayag  ni Princess Iryenna.

Bumuntong hininga si King Zavabian bago tumingin sa kaniyang anak.

"Yes, I ready sent a skilled group. Just wait for a day or two, Okay?" Malambing na saad ni King Zavabian sa kaniyang anak.

"Okay"

Nang makalabas ang anak niya sa kaniyang office ay agad na napahilot sa kaniyang sentido si King Zavabian. Ang totoo nan ay nagpadala agad siya ng mga tauhan na dadakip sa babaeng tinutukoy ng kaniyang anak ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin balita sa mga ito.

Sigurado si King Zavabian na hindi nagtagumpay ang plano ng mga ito at malaki ang posibilidad na baka patay na ang mga ito.

Alam ni King Zavabian na ang babaeng gustong kidnapin ng kaniyang anak ay ang asawa ng third prince ng Verosian Empire. Nabasa niya sa dyaryo lahat ng balitang nangyayari sa Capital City ng Verosian Empire.

Kung nahuli nga ang mga tauhan na pinadala niya ay siguradong hindi ito iiwang buhay ng third prince.

---

Sa kabilang banda, hindi pa rin nakakarating sa Razvan Kingdom ang balita tungkol kay Atralia at Aivaro.

Simula ng makabalik si Harcus sa Razvan Kingdom ay patuloy niya lang binabantayan si Queen Zanni dahil iyon ang utos sa kaniya ni Prince Alecio.

"Wala bang sinabi si Prince Alecio kung kailan siya babalik?" Pagtatanong ni Minsia sa tahimik na si Harcus sa kaniyang tabi.

Nakatayo ngayon sila sa loob ng silid ni Queen Zanni. Abala ang kanilang reyna sa ginagawa nitong pag-eembroidery.

Napatingin  naman si Harcus sa babaeng nakatayo sa tabi niya. Alam niyang may gusto ito kay Prince Alecio dahil halatang-halata iyon sa mukha ni Minsia.

"Walang sinabi" sagot ni Harcus dito.

"Hays. Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Prince Alecio" nakasimangot na saad ni Minsia sa kaniyang sarili.

Hindi nagsalita si Harcus.

"Harcus, alam mo din bang may kapatid na babae si Prince Alecio?" Mahinang bulong ni Minsia kay Harcus.

Nagsalubong ang kilay ni Harcus dahil sa huling pagkakatanda niya ay walang kapatid na babae si Prince Alecio. Alam ng lahat na nag-iisang anak lamang ito.

"Hindi ba close kayo ni Prince Alecio? Alam din ba ni Prince Alecio na may anak sa labas si Queen Zanni?" Mahinang bulong ni Minsia.

Sa lahat ng nagtatrabaho sa Razvan Castle ay si Harcus lamang ang kinausap ni Minsia tungkol sa bagay na iyon dahil alam ni Minsia kung gaano kaloyal ni Harcus kay Prince Alecio at bukod don ay hindi ito maingay.

Pakiramdam kasi ni Minsia ay hindi niya makakayanan na itago mag-isa ang sekreto na iyon. Baka kapag wala siyang mapagsabihan ay bigla niya nalang mabanggit sa ibang matulong na madaldal. Kaya mas pinili niyang kausapin si Harcus tungkol sa bagay na iyon.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba alam na makakasuhan ka kapag nagsalita ka ng hindi maganda sa myembro ng royal family?" Seryosong pahayag ni Harcus dahil hindi niya nagustuhan ang narinig mula kay Minsia.

"Nagtatanong lang ako kung may alam ka. Sikreto lang ito ha, pero may anak talaga si Queen Zanni na babae at sa palagay ko ay hindi ito anak ni King Razvan dahil gustong itago ni Queen Zanni ang bagay na iyon sa hari" mahinang bulong ni Minsia kay Harcus.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon