KABANATA 33

14.6K 800 30
                                    

Kabanata 33. 

Napatitig ako kay Ivar at napansin kong mukhang madilim ang ekspresyon ng mukha niya ng banggitin niya ang emperor. Nakangisi siya ngunit bakas doon ang matinding pagkamuhi.

"I was a stupid four years old boy who eagerly wished for his own father affection and recognition. I told him about my ability but instead of recognition, I received a condemnation from my own very father. He told me that I do not deserve to inherit his ability. I was only a mere concubine's son. He blamed me and told me that because of me, there's no future for this empire"

"He was sure that I am not suitable for the emperor's throne. He told me that if I can swim across the ocean then he'll reconsider giving me the throne" pahayag ni Ivar. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

Ngumisi ito sa akin.

"I told you. I was stupid in my first shot of life. I actually tried to swim across the ocean. Hindi ko sigurado kung saan ako mapapadpad basta gusto ko lang patunayan ang sarili ko sa aking ama. Hindi ko rin inisip noon ang edad ko. Wala akong pake kahit isa lang akong apat na taong gulang na bata.

Naglangoy ako sa gitna ng dagat ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa border ng Verosian Empire ay naubos na ang lakas ko.

That was when I met Sky. Nakita ko siyang maputla at mukhang mawawalan na ng malay ngunit kahit ganon ay hindi ito tumitigil sa paglangoy.

Sa lawak ng dagat, hindi ko din alam kung bakit nagkasalubong ang landas namin dalawa. Nakita ko siyang nawalan na ng malay kaya napagpasyahan kong higitin siya pabalik sa shore ng Verosian Empire.

He's 3 years older than me. Sa kaniya ko nalaman na ang direksyon pala na nilalangoy ko ay patungo sa Orielton Country kung saan galing si Sky.

I saved Sky and he saved me too. Dahil sa kaniya, nawala ang idea ko na maglangoy sa nakapalawak na karagatan. Tinanggap ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi ako matatanggap ni ama bilang isang tagapagmana sa trono.

Simula din noon, hindi ko na hinangad pa na maupo sa trono. Nawalan na ako ng gana at ayokong makipag-agawan sa dalawang anak ng empress.

Lumaki ako bilang isang normal na prinsipe. Matapos kong makilala si Sky ay nakilala ko naman si Orison at Warner. Lagi na kaming apat ang magkakasama simula pagkabata.

Isa kapatid na rin ang turing ko sa kanilang tatlo at mataas ang tingin ko kay Sky dahil para ko na siyang nakatatandang kapatid. Maging si Orison at Warner.

I was really a normal human being when I was in my teens. Lagi kaming pumupunta nina Orison sa iba't ibang kingdom. Lahat ng kingdom sa Verosian Empire ay napuntahan na namin.

Bumabalik lang ako sa Verosian Castle para makita ang aking ina. Kapag nasa Verosian Castle ako ay lagi kong kasama si ina. She's a lovely and sweet mother. I loved her so much.

I was 20 when my mother died because of poison. That's the beginning of everything.

I was 20 years old when I met granpa and granny. Dahil kakamatay lang ni ina ay alam ng lahat kung gaano ako kalungkot noong araw na iyon. Sinubukan akong kausapin ni gramps para siguro idistract ako at para makalimutan ko na patay na ang aking ina.

Duon ko nalaman na may kakaibang abilidad si gramps. Sinabi niya sa akin na kaya niyang kontrolin ang oras. Ngunit may limitasyon ang abilidad niya. Kaya lamang niyang patigilin ang takbo ng oras ng ilang minuto at isang araw lang niyang maibabalik ang mundo sa nakaraan.

He told me to try it. Kaya sinubukan ko at hindi ako nabigo. Everything in this world stopped. The people, the wind, and every single thing. I was amazed. Nakalimutan ko talaga na ang araw na iyon ay ang araw kung kailan ililibing ang aking ina.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon