KABANATA 4

17K 943 85
                                    

Kabanata 4. 

Nang malaman ko ang balitang ibinigay sa akin ni ama ay agad kong pinuntahan si ina upang magpaalam. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang totoo at pilitin siya na pumayag.

"Mother," nakangiti kong bati kay ina.

Abala ito sa kaniyang ginagawang embroidery. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay ngumiti si ina.

"Come here," nakangiting saad sa akin ni ina.

Lumapit naman ako sa kaniya at naupo sa tabi niya.

"Mother, I have something important to tell you." seryoso kong saad kay ina.

Nilagay ni ina ang hawak niya sa may lamesa sa harap ng sofa. Tumingin ito sa akin.

"Don't make me worry," magkasalubong na kilay na saad nito.

Napalunok naman ako. Hindi ko pa man sinasabi ang gusto kong sabihin ay mukhang may ideya na si ina na hindi niya magugustuhan ang sasabihin ko.

"Kailangan kong umalis ng kaharian, Ina." Pahayag ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mata ni ina at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Bakit kailangan mong umalis?"

"Nagpadala ng sulat ang third prince ng Verosian Empire. Kailangan kong pumunta sa Capital City ng Verosian Empire para tulungan ang 3rd prince," paliwanag ko sa aking ina.

"Pero—"

"Ina, kapag hindi ako pumayag ay baka magalit sa akin si ama. Kapag nagalit sa akin si ama ay siguradong ikaw ang sisisihin niya sa naging desisyon ko at baka paghiwalayin niya tayong dalawa," seryoso kong saad kay ina.

Natigilan naman si ina at napaisip dahil sa aking sinabi.

Hindi naman ito nagsalita at hinigit lang ako upang yakapin.

"I don't want you to go but I don't want your father to be more vigilant of me," nag-aalalang saad sa akin ni ina.

Napangiti naman ako dahil mukhang hindi ito nag-aalala na baka paghiwalayin kami ni ama. Mukhang mas natatakot ito na baka lalong magalit si ama sa kaniya.

Inaasahan ko na iyon kaya naman ginamit ko ang dahilan na iyon para hindi ako pigilan ni ina.

Nang matapos kong makipag-usap kay ina ay lumabas na ako ng silid. Nakita ko naman na naghihintay sa akin si Harcus.

"Harcus, nakapagdesisyon ka na ba kung sasama ka sa akin o hindi?" Tanong ko sa kaniya dahil bago ako pumasok sa silid ni ina ay sinabi ko kay Harcus ang binalita sa akin ni ama.

"Prince Alecio, napagdesisyunan ko po na samahan kayo sa inyong paglalakbay." Mariin na saad sa akin ni Harcus kaya naman napatango ako.

Kinabukasan ay nagtungo kami ni Harcus sa lugar na sinabi sa akin ni ama. Isang tavern ang lugar na iyon. Madaling araw kaming umalis ni Harcus sa kaharian upang walang makakitang tao sa amin.

Nagsuot rin kami ng cloak para walang makapansin sa amin.

"Prince Alecio, ako na po ang magdadala sa inyong bagahe." Saad sa akin ni Harcus ngunit mabilis naman akong umiling.

May dala rin siyang bagahe kaya naman hindi maganda na ibigay ko rin sa kaniya ang aking dala.

"Sa tingin ko nandito na tayo," saad ko kay Harcus dahil hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng tavern ay nahagip na ng mata ko si Ivar at ang kaibigan dito.

"Prince, it's to see you again." Nakangiting saad sa akin ni Ivar nang makalapit ako sa kanila.

"Prince, buo na ba ang desisyon mo na sasama ka sa amin? Pwede ka pang umatras," saad sa akin ni Ivar.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon