KABANATA 41

13.7K 661 24
                                    

Kabanata 41. 

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW 

Namumutla ang mukha at nanginginig ang buong katawan ni Queen Zanni habang naglalakad patungo sa office ng kaniyang asawa na si King Razvan.

Kahit kailan ay hindi siya pinatawag ng kaniyang asawa kaya hindi niya mapigilan na hindi kabahan at matakot sa kung anong rason kung bakit siya nito pinatawag.

"Minsia, sigurado ka ba na walang nakakarating na newspaper sa hari?" Tanong ni Queen Zanni sa nakasunod sa kaniyang si Minsia.

"Wala po. Nakakasigurado po ako sa bagay na iyon" sagot ni Minsia sa kaniya.

Napansin naman ni Harcus ang sobrang takot sa mukha ni Queen Zanni at hindi niya mapigilan na isipin na baka totoo nga na may anak sa labas ito o baka mag tinatago ito sa hari.

Nang makarating si Queen Zanni sa harap ng pinto ng office ni King Razvan ay mas naging matindi ang kaniyang takot at kaba. Pakiramdam niya ay may hindi talaga magandang mangyayari.

Humakbang naman si Harcus pauna at siya na ang kumatok sa pinto ng office ni King Razvan dahil mukhang aabutin sila ng magdamag sa pagtayo sa labas ng silid na iyon kapag hinintay nilang gumalaw ang reyna.

"Come in"

Nang marinig ni Queen Zanni ang malamig na tono ng boses ng kaniyang asawa mas lalong nabalot ng pangamba ang kaniyang puso.

Binuksan ni Harcus ang pinto para sa reyna. Pumasok naman si Queen Zanni sa loob ng silid na iyon. Hindi naman sumunod pa si Minsia at Harcus dito.

Nang makita ni Queen Zanni ang malamig at walang emosyon na mga mata ni King Razvan na nakatingin siya kaniya ng mariin ay pakiramdam niya na para bang may tumarak na punyal sa kaniyang puso.

Hindi niya gusto ang tingin na iyon. Para bang isang panaginip lang ang lahat ng malambing na tingin nito sa kaniya. Naglaho ang mapagmahal na asawa niya at napalitan iyon ng isang tao na hindi na niya makilala. Ngunit kahit ganon ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya dito.

"Secretary Ubian, I need to talk to my wife. You can stay outside for a while" malamig na saad ni King Razvan.

"Yes, Your Majesty" magalang na saad ni Secretary Ubian sa hari.

Nang maiwan si Queen Zanni at King Razvan sa loob ng silid na iyon ay mas lalong nanlamig ang katawan ni Queen Zanni. Hindi niya alam kung bakit siya pinatawag nito pero masama ang kutob niya.

Alam niyang hindi maganda ang relasyon nilang dalawa at kahit gaano pa niya pilitin na ayusin iyon ay alam ni Queen Zanni na hindi na niya maibabalik ang pagmamahal na meron noon para sa kaniyang si King Razvan.

Katulad ng sinabi noon ni King Razvan. Matanda na silang parehas at hindi na nila kailangan ng pagmamahal para sa isa't isa. Ngunit umaasa pa rin si Queen Zanni na baka mabago niya pa ang isip ng asawa.

"Zanni, I'll only ask you one question. You need to tell me the truth" malamig na saad ni King Razvan.

Malakas na kumabog ang puso ni Queen Zanni at pakiramdam niya ay matutumba na siya sa kahit ano mang oras dahil sa panginginig ng tuhod niya.

"W-What's your question?" Tanong ni Queen Zanni. Tinapangan niya ang kaniyang sarili ngunit hindi niya nagawang itago ang panginginig ng kaniyang boses.

"Do you have another child aside from Alecio?" Mariin na tanong ni King Razvan sa kaniyang asawa.

Mabilis na umiling si Queen Zanni at matapang niyang tiningnan ang mga mata ng kaniyang asawa.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon