KABANATA 12

15.5K 802 90
                                    

Kabanata 12. 

Nang magising ako ay nakita kong wala na si Harcus sa aking tabi kaya naman bumangon na rin ako. Lumbas ako ng tent at nakita kong nakatayo lang sa labas si Harcus na para bang nagbabantay.

"Greetings, Prince Alecio" magalang na bati sa akin ni Harcus ng makita niya akong lumabas ng tent.

"Alisin na natin ang tent. Ikaw palang ba ang gising?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling naman ito.

"Gising na rin si Ivar at Sky. Nanghahunting lang sila ng hayop sa kagubatan na ito para sa ating pagkain" paliwanag sa alin ni Harcus. Napatango naman ako.

Inayos naman namin ang tent. Ilang minuto ang lumipas ay nagising na rin si Orison at Warner.

"Maaga kayong nagising, hindi naman tayo aalis ng madaling araw" saad ni Orison habang nakatingin sa madilim na asul na kalangitan. Hindi pa rin sumisikat ang araw ngunit maliwanag na.

"Nasaan pala sina Ivar?" Tanong naman ni Warner habang inaayos niya ang tent na pinagtulugan nila ni Ivar.

"Nanghuhuli ng ating pagkain kasama si Sky" sagot ko naman sa kaniya.

Nagsimula naman na maggawa ng apoy si Orison. Nang matapos naman kami ni Harcus sa aming ginagawa ay naupo nalang ako sa may gilid sa may malaking bato.

Nang matapos sa paggawa ng apoy si Orison ay sakto namang dating ni Ivar at Sky na may dalang tigtatlong malalaking rabbit.

"There's no wild boar here" pahayag naman ni Ivar at hinagis ang hawak niyang rabbit sa tabi ni Orison.

"I'm tired" saad nito at lumapit sa tabi ko at naupo.

"Are you going to order me to cook?" Tanong ko naman sa kaniya nang makalapit siya sa akin. Natawa si Ivar.

"You're a prince. I just can't order you around, can I?" Sagot nito sa akin.

Parang kahapon lang ay inutusan niya akong magluto ng aming pagkain.

"Sometimes, I just don't want to talk to you" pahayag ko naman sa kaniya.

Mahina naman itong natawa kaya napatitig ako sa kaniya.

"You initiate this conversation and now you are saying that you don't want to talk to me. You are just really a child" nakangising saad nito sa akin.

Hindi naman ako nagsalita pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na ulit kaming maglakbay. Mukhang hindi naman namin kailangan magmadali sa paglalakbay. Sigurado akong ilang gabi pa kaming matutulog sa kung saan-saan.

"I miss my mother" wala sa sariling saad ko habang nakatingin sa labas ng carriage.

I really miss my mother. Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya sa mga oras na ito. Kung okay lang ba siya o kung pinaiyak na naman ba siya ni ama.

Ang totoo nan ay gusto ko na talagang bumalik sa Razvan Kingdom ngunit kailangan ko pang tulungan ang third prince sa plano nito. Hindi ko naman alam ang buong plano ng taong iyon kaya gusto ko rin siyang makita para maitanong ko sa kaniya ng personal kung anong plano niya.

Kapag nalaman kong hindi maganda ang plano niya at walang kasiguraduhan na mapapatay niya ang emperor ay willing naman akong tulungan siya dahil inaasahan rin ni ama ang benefits na matatanggap namin mula sa pagtulong sa third prince.

My father is a king kaya naman hindi na nakakapagtaka kung may ambisyon itong palawakin ang Razvan Kingdom. Yun nga lang, ang bawat lupain sa labas ng bawat kaharian ay pag-aari ng Verosian Empire. Kaya naman hindi basta-basta iyon maaaring angkinin ng kung sino man.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon