KABANATA 6

15.3K 899 130
                                    

Kabanata 6.

"I can't believe this. Are you a real person?" Tanong pa nito sa akin na para bang hindi talaga siya naniniwala na tao ako.

"I am a real person" sagot ko naman sa kaniya.

"You are way more gorgeous than Quenn Zanni. Akala ko ay wala ng tatalo sa kagandahan ni Queen Zanni ngunit meron pala. How can you hide this kind of face?" Singhal pa nito sa akin.

Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi niya.

"The world is unfair" nakasimangot pa nitong saad.

Hindi naman ako nagsalita dahil para sa akin ay hindi unfair ang mundo. Because I have this kind of face and because I am a girl kailangan ko ngayon maghirap at magpanggap na lalaki para mabuhay.

"Oh, I have an idea, why don't you try to wear a dress? Kailangan mo na bang umalis?" Tanong sa akin nito.

Natigilan naman ako dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakaranas na magsuot ng dress. Kahit isang beses ay hindi pa ako nakakapagsuot ng dress. Sa aking walk-in closet ay walang ni isang dress na nakalagay dahil nga isa akong prinsipe at hindi prinsesa.

"Okay, I want to try" nakangiti kong pahayag sa kaniya.

"Oh, before I forgot. My name is Caria William and let's be friends" masaya nitong pagpapakilala.

Napangiti naman ako.

"Can I call you Al, because Alecio doesn't fit with your original face" pahayag pa nito sa akin.

"Do as you like" pahayag ko naman.

"Okay, I'll dress you up. Wait for me here. Kukuha lang ako ng mga magagandang dress" excited nitong usal sa akin.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko at lumamig ang kamay dahil sa kaba. Katulad ni Caria ay naeexcite rin ako.

Kahit ngayon lang ay gusto kong maranasan na maging isang babae. Kahit ngayon lang.

Ngunit nawala ang pagkaexcite ko dahil ng bumalik si Caria ay wala siyang dalang dress.

"Al, sa tingin ko ay kailangan mo ng lumabas dahil mukhang balak guluhin ng mga kasama mo ang buong Katrala Kingdom kapag hindi ka pa nila nakita. Nasa labas din ng building na ito ang isa sa kanila" pahayag dito sa akin.

Ngumiti naman ako kay Caria. Muli kong sinuot ang aking pekeng mukha. Tumayo naman ako at naglakad na patungo sa pinto.

Hinawakan naman ni Caria ang braso ko.

"Let's go out like this. Para isipin nila na kaya ka nawala ay dahil sa isang babae" natatawang usal ni Caria.

Tumango naman ako.

"Huwag mo palang kalimutan 'to" saad sa akin ni Caria at inabot sa akin ang maliit ma bote. Inilagay ko naman iyon pabalik sa look ng aking damit.

Nang makita ko ang glass door ay napansin kong si Ivar ang naghihintay sa akin doon. Para bang alam niya na nandito ako.

"Prince, alam kong gwapo ka pero hindi ko akalain na magpapakidnap ka ng kusa" saad nito sa akin ng makalabas ako.

Saglit lang na sumulyap si Ivar kay Caria bago muli ako nito balingan.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko naman kay Ivar.

"May napagtanungan ako na nakakita sa inyo na pumasok ka kasama ang isang babae sa lugar na ito" sagot nito sa akin.

"Wala naman utak ang mga kasama ko kaya akala nila ay nakidnap ka. Si Harcus naman ay pinabalik ko na sa inn para iakyat na ang ating mga bagahe" paliwanag nito sa akin.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon