KABANATA 40

14.9K 714 46
                                    

Kabanata 40.

Makalipas ang isang linggo ay nagtungo na kami ni Ivar sa Verosian Castle kasama si Elock. Kahapon kami nagpunta sa Verosian Castle at ngayon ay nasa greenhouse ako ng Verosian Castle kasama si Elock. Si Ivar ay abala sa kaniyang ginagawa.

Ayaw man nitong magtrabaho ngunit wala siyang magagawa dahil siya ang emperor ng Verosian Empire.

Kumalat na din sa buong Capital City ang balita at ang tungkol sa bagong emperor ng Verosian Empire. Nabasa ko din sa dyaryo na madaming nagtungo sa sentro ng Capital City upang makita ang pugot na ulo ng dating emperor at empress. Maging ang ulo ni Dionous at Lyzton ay nakadisplay din sa sentro para makita ng publiko.

Dahil doon ay nabansagan agad si Ivar bilang isang tyrant. He killed his family to sit on the throne. He became known as a merciless tyrant.

Hindi nalang namin iyon pinansin ni Ivar. Siguro nga ay hindi mawawala ang ganong title ni Ivar. Mukhang kahit ilan pang buhay ang pagdaanan niya ay makikilala at makikilala pa rin siya bilang isang tyrant.

It can't be help.

Wala rin naman magagawa ang mga tao sa bagay na iyon. Kumalat din sa lahat na may abilidad si Ivar na katulad ng sa mga dating naunang emperor kaya walang magtangkang kalabanin at patalsikin sa trono si Ivar.

Pinalaya naman ni Ivar si Secretary Wiber dahil sinunod nito lahat ng pinag-utos ni Ivar. Bukod don ay wala naman galit si Ivar kay Secretary Wiber.

"Empress, are you going to Razvan Kingdom, tomorrow?" Tanong sa akin ni Elock.

Napataas ang aking kilay ng maalala ang bagay na iyon.

"Yes, you don't need to come with me" nakangiti kong saad.

Dinala ko rin dito sa Verosian Castle ang aking pekeng mukha at ang gamot na nakakapagpabago sa aking boses. Kailangan kong umalis bukas para bumalik sa Razvan Kingdom.

Hindi naman makakasama sa akin si Ivar dahil tambak ang kaniyang trabaho. Who told him to kill his father. Ngayon ay kailangan niyang tapusin lahat ng trabahong iniwan ng kaniyang ama.

Alam ko naman na madali lang iyon para kay Ivar. I know he's a genius. Nagpunta dito kahapon si gramps at granny, sinabi ni gramps sa akin noong unang beses na maupo noon si Ivar bilang isang emperor ay napaunlad nito bawat sulok ng Verosian Empire. He's actually a capable emperor. Hindi ko inaasahan iyon dahil akala ko ay kalokohan lang ang lahat ng laman ng utak ni Ivar.

But he's actually a genius. Ngunit dahil nagsawa si Ivar bilang isang magaling na emperor ay nagdesisyon itong siraan ang buong Verosian Empire at patayin lahat ng mga tao sa lugar na ito.

Sinabi sa akin kanina ni gramps na sinabi sa kaniya ni Ivar noon ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Dahil para kay Ivar ay wala siyang rason para panatilihin maganda at maunlad ang Verosian Empire. 

Ngunit iba na ngayon dahil may rason na si Ivar para panatilihin ang kapayapaan sa Verosian Empire.

"Elock, do you know if my baby is a girl or boy?" Tanong ko kay Elock.

I am already 3 months pregnant ayon sa sinabi sa akin ni Elock noon. Sabi niya ay matagal na niyang naramdaman na may baby sa tyan ko hindi lang niya sinasabi sa akin noon at naghihintay siya ng tamang pagkakataon.

My period is not regular kaya hindi ko rin napansin ang bagay na iyon. Bukod pa don ay hindi rin ako nakaranas ng simptomas ng pagbubuntis.

Abala si Elock sa pagbabasa ng pambatang libro. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago nagsalita.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon