KABANATA 32

14.6K 756 26
                                    

Kabanata 32.

Nang sumapit ang hapon ay sinamahan ko lang sa labas si Elock. He's really just a child sometimes. Siya ang nagyaya sa akin sa labas ng bahay para maglaro.

"What do you want to play?" Nakangiti kong tanong kay Elock.

"Um" napaisip naman ito.

"Hindi niyo ba ako isasali?" Tanong ni Ivar ng lumabas ito ng bahay.

"I told you to clean the house" saad ko kay Ivar.

Ngumuso naman ito sa akin. Pinigilan kong ngumiti o tumawa dahil sa reaction ni Ivar.

"I already did. Wala ka lang plano na isali ako" parang batang pagrereklamo nito. Lumapit sa Ivar sa akin at niyakap ako mula sa liko.

Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin.

"Sumali ka kung gusto mo" nakangisi kong saad.

"Sabi mo yan ha. Wala ng bawian" nakangisi nitong pahayag sa akin at naramdaman ko naman na hinalikan nito ang tuktok ng ulo ko.

"Pero pinag-iisip mo talaga si Elock ng laro?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ivar.

"Why? Is there something wrong with that?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Nothing" nakangising saad sa akin ni Ivar kaya napairap ako.

"Let's play hide and seek" masayang saad ni Elock.

Napatango ako. Binitawan naman ako ni Ivar at tumayo ito sa aking tabi.

"Kid, you're the seeker" nakangising baling ni Ivar kay Elock.

"That's unfair, master" saad ni Elock kaya natawa ako.

"I volunteer. Make sure to hide carefully. Don't let me see even a strand of your hair" nakangisi kong saad sa kanilang dalawa.

"Fine by me" pahayag ni Ivar.

"I'll count one to ten" saad ko.

"Empress, don't cheat. Close your eyes properly" pahayag naman sa akin ni Elock kaya mahina akong napatawa.

Sinarado ko naman ang aking mata bago ako nagsimulang magbilang.

Nang matapos akong magbilang ay sinimulan kong maghanap sa loob ng bahay dahil baka doon sila nagtago ngunit mukhang hindi.

Nang lumabas ako ng bahay ay sinimulan kong maghanap sa likod ng mga puno at sa taas ng mga puno dahil baka umakyat ang dalawa.

They are good.

Mukhang ako ang talo sa aming tatlo. Nagvolunteer ako dahil akala ko madali ko lang silang mahahanap ngunit pakiramdam ko ay aabutin ako ng magdamag sa paghahanap sa isa sa kanila.

"Where are you guys? Make a sound and give me a hint" nakangisi kong saad.

"Not fair" rinig kong sigaw ni Ivar sa kung saan.

Agad akong napalingon sa pinaggalingan ng boses ni Ivar. Naglakad ako papalapit doon ngunit hindi ko nakita si Ivar.

They are really good at this game.

Ngunit natigilan ako ng biglang nanlabo ang aking paningin dahil sa kakaibang usok. Napaubo ako at napaupo sa lupa dahil pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang aking katawan.

"Found her" napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita.

"Don't move" mariin kong saad sa mga ito.

Pumikit ako ng mariin at hinawakan ang aking sintido.   This is a paralyzing smoke. If I were not trained properly before, sigurado akong nawalan na ako ng malay kanina pa at baka hindi ko na kayang magalaw ang katawan ko.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon