KABANATA 2

20.6K 968 108
                                    

Kabanata 2.

Sumakay ako sa aking kabayo ng makalabas ako sa castle. Ilang knights naman ang nakasunod sa akin kabilang na si Harcus.

Katamtamang bilis lang ang pagpapatakbo namin sa mga kabayo dahil bago kami makarating sa capital ay sinabihan ko muna sila na libutin muna namin ang ilang village na madadaanan namin.

Nang makapunta kami sa isang village ay pinalakad nalang namin ang mga kabayo dahil malaki ang posibilidad na baka makabangga kami kapag hindi kami nag-ingat.

"Nagagalak kaming makita kayo, Prince Alecio!" Sigaw naman ng mga taong nadadaanan namin kaya napapangiti na lamang ako.

Sigurado ako na walang kahit na sino sa Razvan Kingdom ang hindi nakakakilala sa akin.

"Prince Alecio, willing po ako na maging pangalwang asawa niyo!" sigaw naman ng isang babae.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Alam niya sa sarili niya na hindi siya pwedeng maging unang asawa ng isang prinsipe dahil isa lamang siyang commoner.

Hindi agad ako nakapagreact dahil sa aking narinig. Narinig ko na tumikhim si Harcus na nasa aking likuran na para bang siya ang nahihiya para sa akin.

Mahina akong natawa.

"Prince Alecio, mabuhay po kayo!" Sigaw ng iba pang mga tao.

Nang matapos na kami sa paglilibot sa mga nadaanan naming village ay dumeretso na kami sa may kapital ng Razvan Kingdom.

Bumaba ako sa aking kabayo dahil mas gusto kong naglalakad kapag nililibot ko ang buong kapital ng Razvan kingdom.

"Guard the horse. Harcus, come with me," saad ko sa mga knights na kasama ko bago ako bumaling kay Harcus.

Nagsimula na ako sa paglalakad at nakasunod naman sa akin si Harcus.

"It seems that this place became more peaceful," saad ko habang pinagmamasdan ang paligid.

"Dahil wala ang mga batang kalye sa daan," seryosong saad ni Harcus kaya napatango ako.

Ang isa pang proyekto na ginawa ko ay ang magpapatayo ng dalawang bahay ampunan sa dulo ng kapital ng Razvan Kingdom. Pinaaprubahan ko iyon kay ama at nagpapasalamat naman ako dahil inaprubahan niya ang proyekto ko na iyon.

Noong nakaraang taon kasi ay napansin kong napakaraming nagkalat na mga bata sa kalsada at ang karamihan pa sa kanila ay madudungis at halatang walang makain.

Napatigil ako sa aking pag-iisip ng magkaroon ng ingay sa paligid.

"Habulin niyo, magnanakaw! Kinuha niya ang mga pera kong dala!"

Napatingin ako sa matandang babaeng hinihingal na dahil siguro sa pagtakbo. Inilipat ko ang aking tingin sa lalaking lumiko sa eskinita.

"Prince Alecio, what's your order?" tanong naman sa akin ni Harcus.

"Stay here and assist the old lady," seryoso kong pahayag.

"I'll do as you command," saad ni Harcus kaya naman tumango ako.

Naglakad na ako patungo sa pinuntahan ng lalaki kanina.

"Naku, mukhang ubos na ata ang swerte ng magnanakaw na iyon dahil nandito si Prince Alecio."

"Mabuti na lamang at nagpunta ngayon si Prince Alecio. Ilang araw na din ang magnanakaw na iyon na pabalik-balik dito at hindi rin ito magawang mahanap ng mga knights."

"Hindi na nakakagulat kung ang magnanakaw na iyon ay hindi ordinaryo. Baka biniyayaan din iyon ng abilidad katulad ng ilang mga nobles."

Nang makapasok ako sa eskinita kung saan pumasok ang lalaki ay napansin kong walang kahit na sinong tao at bukod pa don ay dead end rin ang daan na ito.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon