KABANATA 42

13.8K 706 11
                                    

Kabanata 42.

Nagkatinginan si Minsia at Harcus ng makarinig sila ng malakas na pagbagsak ng isang mabigat na bagay sa loob ng office ni King Razvan. Napakurap sila ng ilang beses bago napatingin kay Secretary Ubian.

Maging si Secretary Ubian naman ay hindi alam kung anong nangyayari sa loob ng office na iyon. Ang alam lang niya ay tungkol sa babaeng kahawig ng reyna ang pag-uusapan nilang dalawa. Walang binaggit sa kaniya ang hari kaya wala siyang alam sa bagay na tungkol doon.

Hindi rin naman nila rinig ang pag-uusap ng reyna at hari sa loob.

Nakaramdam naman ng pagkabahala si Harcus. Pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyayari. Humarap siya sa pinto at akmang bubuksan iyon ngunit mabilis siyang pagilian ni Secretary Ubian.

"The king is not calling for you. You should wait outside" mariing saad ni Secretary Ubian. Maging siya ay pinalabas ng hari kaya sigurado siya na importante ang bagay na pinag-uusapan ng hari at reyna.

"I think we should check if the king and queen are alright. Did you not heard the loud sound?" Seryoso naman na saad ni Harcus.

"Tama si Harcus. Paano kapag may nakapasok na palang assassin sa office ni King Razvan galing sa may bintana?" Tanong naman ni Minsia.

Nagsalubong ang kilay ni Secretary Ubian at nagsimula na rin siyang kabahan dahil sa sinabi ni Harcus at Minsia.

"What are you doing here?"

Napatigil ang tatlo at sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Napakurap ng ilang beses si Harcus dahil hindi niya inaasahan na babalik na sa Razvan Kingdom si Prince Alecio at bukod pa don ay nakita niyang nasa likod nito si Orison.

Nagningning naman ang mga mata ni Minsia ng makita niya si Prince Alecio. Agad tumalon ang puso niya sa tuwa at para bang nakalimutan ng tatlo ang pinag-uusapan nila kanina lang.

"Where's mother?" Tanong ni Alecio sa mga ito.

"She's inside, Prince Alecio" sagot naman ni Harcus sa prinsipe.

Naglakad naman si Alecio papasok sa loob ng office at hindi niya inaasahan ang madadatnan niya.

Mabilis niyang itinulak ang kaniyang ama palayo sa kaniyang ina. Kung nahuli siya ng dating ay siguradong baka bangkay nalang ng kaniyang ina ang naabutan niya.

Nagulat sina Harcus sa kanilang nasaksihan. Maging si Secretary Ubian ay hindi inaasahan na tatangkain talagang patayin ni King Razvan si Queen Zanni.

Nakaramdam naman ng takot si Minsia at nag-aalala nitong nilapitan si Queen Zanni na patuloy sa pag-ubo. Naghahabol ito ng kaniyang hininga.

Si Orison ay hindi naman sigurado sa kung anong nangyayari. Mukhang dumating sila sa tamang oras dahil kung nahuli sila ay baka napatay na ni King Razvan si Queen Zanni.

Pinagmasdan ni Orison ang ina ni Empress Atralia. Napansin niya ang pagkakahawig ng dalawa at walang duda na ito nga talaga ang ina ni Empress Atralia. Mukha pa rin itong nasa mid 30's palang. Alam naman ni Orison na nasa 50's na ito.

Pero hindi talaga inaasahan ni Orison na ganito ang bubungad sa kanila ng empress.

***

ATRALIA'S POINT OF VIEW

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa halik ni Ivar sa aking labi. Nang imulat ko ang aking mata ay ang mukha niya agad ang tumambad sa akin.

"Wake up, baby! You have schedule for today" malambing na saad sa akin ni Ivar kaya naman napangiti ako.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon