KABANATA 7

14.9K 917 88
                                    

Kabanata 7.

Pumasok naman ako sa may bathroom at nagpalit ng dress. Nang lumabas ako ay nakita kong nakatayo si Caria sa tapat ng pinto ng bathroom.

Nakita ko ang kilay nito na magkasalubong na para bang may mali sa suot kong dress.

"You look stunning but there's something a bit off" seryosong saad nito.

Pinagmasdan ko naman ang sarili ko at sa tingin ko naman ay walang mali.

"Right, you don't have a boobs!?" Gulat nitong saad sa akin.

Napatingin ako sa dibdib ko.

"I have. I just didn't remove the binds" saad ko kay Caria.

Pinanlakihan ako nito ng mata.

"No way. Go back and remove everything except your panties. Isuot mo lang ang dress kapag natanggal mo na ang lahat na dapat tanggalin" saad nito sa akin at tinulak ako pabalik sa bathroom.

Wala naman akong nagawa kundi sundin ito ang gusto niya. Hinubad ko naman ang binds na nagtatago sa aking breast.

Wala na sana akong balak tanggalin ito dahil kalahating oras ang itinatagal ko kapag kailangan ko itong ibalik. Lalo na dahil kahit naiipit ang dibdib ko araw araw ay hindi ito lumiliit. Kaya naman kailangan ko talagang ayusin ang pagbabind sa breats ko para hindi halata.

Nang matapos akong magbihis ng dress ay napansin kong parang sumakto na talaga ito sa katawan ko. Kaya pala sabi ni Caria kanina ay parang may mali.

Ang dress na ito ay simple lang. Hanggang tuhod at may simpleng ribbon na desenyo sa gilid at kulay baby blue. Tipikal na pambahay ng mga ordinaryong tao.

Nang lumabas ako ay nakita ko ang nagniningning na mga mata ni Caria.

"Gorgeous!" Hiyaw nito at dinambahan ako ng yakap.

Namula naman ang pisnge ko dahil sa kaniyang compliment na binigay sa akin.

Humiwalay ito sa akin matapos akong yakapin ng mahigpit.

"Why are you so stunning?" Tanong nito sa akin.

"You really are indeed an enchantress. Walang duda na anak ka talaga ni Queen Zanni" pahayag pa nito.

"Caria, akala ko ba ay ipipinta mo ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh, right! Muntik ko ng makalimutan dahil sa sobrang ganda mo. Pakiramdam ko ay nawala ang utak ko dahil sayo" natatawa nitong saad kaya naman natawa rin ako sa kaniyang biro.

"Here, you can sit here" saad sa akin ni Caria.

Naglakad ako sa isang stool chair na tinutukoy ni Caria. Naupo ako don at nagsimula naman na magpinta si Caria.

"Princess, bakit ka pala nandito sa Katrala Kingdom at sino yung mga kasama mo?" Tanong sa akin nito habang abala siya sa pagpipinta.

"You can say that they are my comrades. Naglalakbay kami ngayon para pumunta sa Capital City ng Verosian Empire" sagot ko kay Caria.

Tumango naman ito.

"Buti pumayag si Queen Zanni" saad nito.

Hindi naman ako nagsalita.

"Pero Princess Al, hanggang kailan ka magpapanggap bilang isang lalaki?" Tanong pa ni Caria sa akin.

"Hindi ko alam. Siguro habang buhay" seryoso kong pahayag.

Napatigil naman si Caria at seryoso akong tiningnan.

"Hindi ka nagbibiro?" Seryoso nitong tanong.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon