ASLS

20K 752 81
                                    

Aivaro's Second Life Story.

It is a sunny morning. Aivaro wrinkled his nose when he smelled a not so nice scent coming from the children playing in front of him.

"Stinky kids," he murmured to himself while walking. He ignored the noisy children around him.

There's a lot of people around. Some are busy looking around the stalls and some are just walking and minding their own business.

Ha already admitted to himself that he is currently lost. Specifically, he really don't know where to go because this is his first time in Orielton Country.

Nang makakita si Aivaro ng signboard ng isang tavern ay hindi siya nagdalawang isip na pumasok. He ordered a beer before thinking what he should do next.

Currently, he only want to forget everything that concerns Verosian Empire. His mother died again but he doesn't have any emotions left in his heart. He already knew his mother's fate.

"Hijo, traveler ka din ba?"

Kanina pa ramdam ni Aivaro ang tingin ng mga matatanda sa kaniya simula ng pumasok siya sa tavern. Hindi na siya nagulat ng lumapit ang isa sa kanila.

"Yes."

Aivaro nodded his head.

Pinagmasdan niya ang matandang nasa harapan niya. Sa unang tingin pa lang ay nahalata na niya na ang matandang nasa harap niya ay hindi isang mabuting tao.

Umupo ang matanda sa harapan ni Aivaro bago ito nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kaniya.

"May lugar ka na bang balak puntahan?" Nakangiting tanong ng matanda.

Mukha itong madaling lapitan na matanda ngunit alam ni Aivaro na masama ang budhi ng matanda sa kaniyang harapan.

He already seen a lot of people and he can easily tell by a glance if a person is good or bad. Also, he is good at judging people.

"Wala pa," diretsa niyang sagot gamit ang kaniyang malalim na boses.

Natigilan ang matanda at napaayos agad ito ng upo ng marinig ang malalim at malamig na boses ng binata sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinilabutan at kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang takot.

Ngunit mabilis din iyon nawala sa pag-iisip na baka ilusyon niya lamang ang kaniyang naging reaction.

"Tamang-tama, kung ganon bakit hindi ka sumama sa amin? May balak kaming puntahan ngayon dito sa Erzant City," masayang saad ng matanda.

Tumango si Aivaro bilang pagpayag dahil wala rin naman siyang pupuntahan at wala siyang ibang maisip na gawin para libangin ang kaniyang sarili. Ilang araw palang din siya sa Orielton kaya naninibago pa rin siya sa mga lugar at kadalasan ay naliligaw siya ng landas.

Lumabas si Aivaro sa tavern kasama ang ilang matatandang lalaki. Ang pinakamadaldal sa kanila ay nagngangalang Tores. Iyon din ang lalaking kumausap kay Aivaro.

"Hindi na natin kakailanganin sumakay ng carriage o magrenta ng kabayo dahil nasa Erzant City lang naman ang pupuntahan natin. Isa pa, mas maganda kung lalakarin natin kahit medyo may kalayuan," paliwanag ni Tores kay Aivaro.

Hindi nagsalita si Aivaro at tahimik lang siyang naglakad sa likod ng mga matatandang kasama niya. Ang iba ay hindi gaanong katandaan.

"Hijo, saang lugar ka galing? Sa norte ba? Karamihan kasi sa mga traveler ay kadalasan galing norte," saad naman ng isang matandang nagngangalang Rohelio.

"Sa south," maiksing sagot ni Aivaro sa matandang sumabay sa kaniyang paglalakad.

"Sa south? Sa Verosian Empire? Ngayon lang ako nakakilala ng taga ng Verosian Empire."

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon